Chapter 12

637 46 27
                                    

Ivy POV

Ilang linggo nang nagpapadala ng hello kitty stuff toy 'yung si 'G' at kada magbibigay sya nang Ganon ay may nakalagay ring card. Ngunit puro 'See you soon ' lang 'yung nakalagay.

May hinala na ako kung sino sya pero tuwing naiisip ko s'ya ay pinipilig ko nalang 'yung Ulo ko.

Wala na 'yun. Hindi na 'yun babalik. Wala nang dahilan para bumalik pa sya. Masaya na ako ng Wala sya.

"Oh! Eto na naman 'yung pangit na hello kitty. Tapos see you soon daw!" Padabog na bigay sa'kin ni Deanna. May nagdoorbell Kasi at s'ya na 'yung pinagbuksa ko.

Ilang linggo ko na rin napapansin na ang sama nya tumingin sa mga hello kitty na binigay sa'kin. Kung makatingin ay parang gusto n'ya ng sunugin. Pero seriously, kung Hindi ko lang alam na mahal nya si Mika iisipin ko na nagseselos sya. Nakakatuwa.

"Bakit nakasimangot ka d'yan?" Takang tanong ko sa kanya habang niyayakap yakap pa 'yung stuff toy. Nakita ko tuloy syang mas napasimangot.

"Gustong gusto mo talaga 'yan?" Pagmamaktol n'ya.

Tumango tango naman ako habang nakangiti.

Gusto ko s'yang inisin. Ang kyutt kyutt Kasi. Parang nagseselos talaga.

Napatayo sya sa kinauupuan nya at padabog na umalis sa condo ko.

Walk out? Hala. Napikon na ata sa'kin. Patay. Yari ka ibyang.

Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba sya o hindi. Pero mukhang inis na inis talaga sya Sa'kin.

Napakagat tuloy ako ng daliri sa sobrang kaba. Lalambingin ko na lang sya mamaya. Hindi naman ako matitiis no'n. Kaya love na love ko 'yon eh.

Wait? Love?

Napatigil ako sa pag iisip nang bumukas yung pinto ng unit ko, nakita ko si Deanna na hingal na hingal at may hawak hawak na paper bag. Anyare sa kanya?

"Oh! Para sa'yo. Mas cute si teddy bear kesa sa hello kitty na 'yan. Tsaka ' yung nabili ko madadala mo kahit saan hindi tulad sa mga pangit na stuff toy na 'yan." Sabi n'ya habang inaabot sa'kin yung paper bag. Ang kyutt nya Po. Nag effort pa talaga para bumili ng pantapat sa mga hello kitty.

Pag bukas ko nung paper bag ay napangiti ako. Halatang nagmamadali talaga sya dahil 'yung nabili nya ay tumbler at t-shirt.

Excite na tumingin ako sa kanya sabay Sabi nang, "Pwede ko na bang suotin'yung T-shirt? Thank you baby!"

Kung kanina ay todo simangot sya, ngayun naman ay todo na rin'yung ngiti n'ya.

"Pwed. Tapos bukas dalhin mo sa trabaho'yung tumbler mo." Nakangiti n'yang sabi sa'kin.

At dahil hindi na ako nakatiis sa sobrang tuwa ay niyakap ko na s'ya ng sobrang higpit.

"Kahit bigyan pa ako ng sandamakmak ng hello kitty ng G na 'yan, iba pa rin talaga 'yung bigay mo. Thank you Deanna." Bulong ko sa kanya habang magkayakap pa kami.

"Ikaw talaga.  Naoverwhelmed tuloy ako sa sinabi mo." Sagot nya sakin.

Nang maghiwalay 'yung yakapan naming dalawa ay saglit kaming nagkatitigan. Hindi ko alam kung saglit nga lang ba 'yun o pakiramdam ko lang na saglit dahil nabitin ako?

"San galing 'yang tumbler mo?" Takang tanong sa'kin ni labyeah habang kumakain kami ng meryenda. Wala na kaming gagawin at naghihintay na lamang ng Oras. Actually kanina ko pa nga gustong gusto umiwi dahil... Alam nya na Yun. Hhahaha!

lifetime Where stories live. Discover now