Chapter 10

613 45 10
                                    

Ivy POV

Good morning aybi,
I dunno if this is a Good morning for us. But I hoped that this will be a great day for you. I already made a breakfast before you wake up. I Know that you will get up earlier so that you can't see me. We both know that you making a distance to me. Why? Why do you need to ignore me? Did I do something? Tell me. I will wait.

P.S please don't come home late. You making me worried. If you want, I will sleep before 8pm so that your plan ignoring wouldn't become hard for you.

P.P.S I Miss you. Take care, don't skip your lunch and dinner okay?

-Deanna is longing for your smiles, hugs and laughs.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa letter na nabasa ko dito sa lamesa. Nahalata n'ya nang iniiwasan ko s'ya. 3 days na simula nung nalasing sya at tinawag nya akong Mika.

Nakakainis lang Kasi, ako yung kasama n'ya Pero iba pala yung nasa isip nya. Parang nakakainsulto sa side ko'yun. At the same time, nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit pero ayoko ng pakiramdam nang ganito. Parang nahuhulog na ako sa kanya. Kahit alam ko namang hindi pwede.

Hanep na puso 'yan, makulit. Alam nang hindi pwede tumitibok parin para sa kanya.

Ngayun lang ulit ako nakatikim ng luto ni Deanna. Sobrang namiss ko 'to, hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti habang kumakain. 3 day, 3days akong hindi makakain ng maayos dahil hinahanap hanap ko yung luto nya.

Buti naisipan nyang magising ng mas maaga sa'kin. Atleast kahit agahan lang makakain ako ng maayos.

Sa totoo lang namimiss ko na talaga sya ng sobra. Tuwing Gabi kapag tulog na sya tinititigan ko lang sya kahit sobrang antok na ako gusto ko parin tumingin. Yun lang kasi yung way para mabawasan kahit papaano yung pagkamiss ko sa kanya.

Kapag Umaga naman, alam Kong maaga syang magigising para magluto ng breakfast ko kaya mas inagahan ko Ang gising para Hindi nya ako maabutan. At syempre bago ako umalis ay sisilipin ko muna sya para makapag goodbye ako sa kanya tuwing papasok ako ng trabaho.

Halata na nga ako ni labyeah na matamlay e. Pero lagi ko lang sinasabi na masama ang pakiramdam ko. Which is totoo naman. Parang nanghihina ako kapag ganito ang sitwasyon namin ni deanna.

Pero ako naman ang may gusto ni'to di ba? Pinapahirapan ko lang ba Ang sarili ko? O Tama lang yung ginawa ko?

Bakit ba kailangan takbuhan ko yung katotohanang nagkakagusto na ako sa kanya?

Bakit ba kailangan pigilan'tong nararamdaman ko sa kanya?

Bakit ba kailangan pang umabot sa point na nagkakagusto ako sa kanya kung hindi naman nya maibabalik yung nararamdaman ko?

Four words lang naman ang kasagutan sa lahat ng tanong ko

May Mika na sya.

Ano kayang Meron sa Mika na yun? Parang gusto ko tuloy syang makilala. Gusto ko s'yang Makita.

Natapos akong kumain ng puro pag iisip lang.

Pero hanggang sa paglig, ganun pa rin Ang nangyayari. Nag iisip parin ako. Bwisit na deanna wong na 'yan. Lakas ng epekto nya sa'kin.

Uuwi ba Ako ng maaga? Sabi n'ya maaga daw sya matutulog para hindi ako mahirapan na iwasan sya. Bakit tinutulungan nya pa akong iwasan ko s'ya? Gusto n'ya ba 'yung ginagawa ko? Bakit hindi nalang nya ako hinintay magising para kausapin tutal maaga naman syang nagising kanina? Ayaw nya ba akong makausap?

Hays! Uuwi na nga ako ng maaga mamaya. Ayoko rin naman na nag aalala sya.

Pumasok na naman ako sa trabaho na matamlay.

lifetime Where stories live. Discover now