Chapter 6

689 43 16
                                    

Deanna POV

Missing someone is your heart's way of reminding you that you love her.

3 years, still hoping na mahal n'ya parin ako. Na ako parin Yung babaeng gusto nyang pakasalan gaya ng Plano namin nung mga panahong mahal na mahal pa namin ang isa't isa at nagbubuild up na nang mga pangarap para saming dalawa.

Choice ko naman na magkaganto kami. Pero hindi ko choice Ang masaktan siya. Mahal na mahal ko nga sya di ba? So bakit ko sasaktan? Limang buwan na lang ang hihintayin at makikita ko na sya. Huli na kaya ako? Bakit kasi kailangan ko pang ma-stuck?  Nagmamadali na'ko pero hindi umaayon ang tadhana sa gusto ko.

Siguro kung may magandang nangyari sa pagkakaudlot ng pag alis ko ay Yung nakilala ko Sila aybi at kamille. Masaya ako kapag Kasama ko Sila. Lalo na si aybi.

Mabait Kasi s'ya kahit minsan magugulat nalang ako dahil susungitan nya ako.

Nung Araw na tumambay at kumain kami sa rooftop, Hindi ko mapaliwanag 'yung saya ko nung time na 'yun. Siguro dahil first time Kong makaencounter ng isang tao na kayang sabayan Ang trip ko? Ang pagiging weird ko? Siya lang kasi ang pumapayag na maglakad kami kahit sobrang layo 'yung lalakarin. First time ko rin na may Kasama manuod ng mga stars. Alam kong hindi nya hilig ang tumambay at tumingala. Pero nakakatuwa lang isipin na naging masaya rin sya. Kapag masaya sya, parang doble yung nararamdaman ko. Hindi ko pa naman sya nakikitang malungkot. Ayokong Makita, baka dumoble rin ang sakit.

Hindi ko nga alam kung bakit nasabi ko sa kanya yung last line na sinabe ko Last time. You make darkness less dark. Siguro dahil nagliwanag Yung paningin ko nang magkalapit Yung mga mukha naming dalawa.

Akala ko pa nga mahahalikan ko pa sya, Buti nalang at nakapagpigil ako. Inilayo ko 'yung mukha ko at ginulo nalang 'yung buhok nya. Tumingala nalang ulit ako at ngumiti.

Nung sobrang lapit ng mukha namin ni aybi naalala ko si Mika. Feeling ko magchecheat ako sa kanya kapag itinuloy ko yung kiss. Kahit Wala na kami, mahal na mahal ko parin sya and all that really matters.

Ipinapangako ko, pagnakapunta na ako ng America pupuntahan ko na sya para makahingi ng tawad at makahingi ng Isa pang chance. Kahit Ano gagawin ko para lang maging kami ulit. Kahit alam Kong Galit sya Sa'kin lahat gagawin ko parin. Lahat gagawin ko para Kay Mika.

She's my only one, my partner and my love.

Naputol ako sa pag iisip nang Makita ko 'yung Oras. Mag aalas otso na Pala.

Malamang malapit ng umuwi si aybi. Magluluto na ako ng hapunan.

Aybi is a better friend. Wala akong masabi sa kanya. Swerte ng magiging boyfriend nun.

Pagkatapos Kong magluto ay sakto namang dating niya. What a timing?
Hahaha.

"Hays. Kapagod." Sabi niya habang nakasalampak sa sofa. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Oh? Bakit? Pahinga ka muna tapos kain na tayo." Sabi ko sa kanya.

Napapikit naman sya nung nagsalita ako. Bakit kaya?

"Ang dami naming ginawa kanina. Pero may reward. Pinagday off kami for 2 days. Kaso hindi ko naman alam yung gagawin sa binigay sa'min." Pagkasabi nya nun ay may binigay sya sakin na papel. Take note, nakapikit parin sya. Parang pagod na pagod talaga.

Binasa ko naman 'yung letter na 'yun.

"Oh? Ang saya nito aybi. Dapat pumunta ka!" Kitang kita 'yung excitement sa boses ko kaya naman napadilat si aybi at tumingin sa'kin.

"Alam mo Yan?" Tanong nya sa'kin.

"Oo, gustong gusto ko nga makasali dito eh. Pang mga rider lang 'to ha? Bakit Yan Ang reward nyo?" Takang tanong ko sa kanya.

lifetime Where stories live. Discover now