Chapter 11

726 41 13
                                    

Ivy POV

"Sige na kasi bro! Tutulungan mo lang Ako kay kamille ang dami mo pang Arte." Mangiyak ngiyak na Sabi ni Riri kay Deanna habang hinihila pa 'yung laylay ng damit n'ya.

Eto namang si Deanna parang walang naririnig at patuloy sa panunuod ng movie habang nakaakbay sa'kin.

Isang Araw na Ang nakalipas simula nung sinuprise ako ni deanna pero ramdam ko parin 'yung kilig. Realtalk Hindi ako makamove on.

"Aybi! Ikaw nalang tumulong sa'kin. Ang arte ni Deanna e. Hindi naman bagay. Saniban ka sana ng yokai!" Sabi ni Riri habang tinatapunan ng masamang tingin ang bestfriend nya.

Nagpigil ako ng tawa bago magsalita, "Anung tul-"

Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko ng tignan ako ni deanna nang nakakunot ang noo.

I zipped my mouth and turn my face to the screen.

"Sabi ko nga bawal tulungan si Riri." Bulong ko sa sarili ko.

"Mga walang puso! Sabihin nyu nalang kung anong floor yung unit n'ya." Hala? Nag dadabog na sya. Nakakatuwa! Ang childish masyado.

Tinignan ko si Deanna. Yung tingin ko parang nagsasabi na 'sasabihin ko ba?' pero umiling iling lang sya. It means no. Kaya Hindi ko nalang ulit pinansin si Riri. Kahit gustong gusto kong sabihin 'yung floor number ni labyeah.

Nang makaramdam sya na Wala kaming balak magsalita ni Deanna ay tumayo na sya at lugo lugong pumunta sa pinto.

"Kung ayaw n'yong sabihin, magtatanong nalang ako dun sa staff sa baba. Akala nyu ha." She said before she open the door to come out. Nung makalabas na sya sa pintuan ng condo ko ay binuksan nya ulit yung pinto at sumilip. Nang tignan namin s'ya binelatan kami sabay Sara ng pinto.

Ang childish realtalk.

Nang maramdaman kong hindi na babalik si Riri ay nagsalita na ako Kay Deanna.

"Bakit ayaw mong tulungan ko or tulungan mo si riri? Mukha naman syang mabait at okay ha. Pwera nalang yung pagiging childish nya."

"Hindi mo pa Kilala 'yun aybi. Naku, sasakit lang Ang Ulo ni kamille Kay riri." Sagot nya naman.

"Ano bang ugali ng bestfriend mo?" Curious kong tanong habang nilalaro ko yung daliri nya sa kamay. Ang kyutt kyutt talaga ng mga daliri nya.

"Madaming babae 'yun. Hindi ko alam kung Kaya nyang talikuran Ang pagiging playgirl nya para Kay kamille. Baka umiyak lang at masaktan si kamille Kay riri." Seryoso nyang sabi kaya naman nagulat ako.

Mukha kasing mabait si riri at Hindi Halatang playgirl sya dahil wala naman akong nakikitang nakikipagflirt sa kanya kapag magkakasama kami.

"Gano'n ba? Eh Ikaw? Katulad ka rin ni Riri?

"Hindi ha. Nagbago na ako. Dati katulad nya ako pero simula nung nakilala ko si Mika hindi na." Todo ngiti pa sya Pagkasabi nya no'n.

Aw. Saksak puso tulo ang dugo.

Hindi nalang ako nagsalita dahilbaka may masabi pa si Deanna about Kay Mika. Baka matorture ng Wala sa Oras yung puso ko.

Nang matapos na yung pinapanuod naming movie ay tumayo na sya sa sofa at humikab.

"Tara aybi. Tulog na tayo. May paso ka pa bukas." Inilahad nya pa 'yung kamay n'ya kaya kinuha ko naman yun at tumayo.

Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ay nagsalita s'ya, "Linggo na ulit sa isang Araw aybi. Saan mo gustong pumunta?"

lifetime Where stories live. Discover now