Part 1: Ang simula at nakaraan.
"It's a healthy baby boy"
Masayang anunsyo ng doktora na nagpaanak sa kanya.Masayang kinarga naman ni Anna ang kanyang panganay. Si Anton naman ay naluluhang nakamasid sa kanyang mag ina.
"Ano ang no napili niyong i-pangalan sa kanya?" Tanong ng doktora.
"Angelo, Angelo Lim" agad na sagot ni anna.
"Hello baby Angelo, I am your Father.." Nakangiting sambit nang kanyang asawa. Habang nilalaro nito ang kamay ng sanggol.
"Labis ang saya ko Anton, sa wakas ay isa na tayong pamilya. Akala ko noon ay habambuhay na akong malulungkot at mag iisa ngunit dumating ka at pinasaya mo ulit ako. Ngayon ay may anak na tayo, wala na akong mahihiling pa Anton." masayang saad niya.
"Ako man ay masaya rin sa kinalabasan ng relasyon natin. Mahal na mahal ko kayo ni baby." Naluluhang sambit ni anton.
Kinuha muna ng doktor ang sanggol upang linisan ito, naiwan naman ang mag asawa sa delivery room dahil may kailangan ding linisan si Anna bago ito ilipat sa isang kwarto.
Namalagi pa sila ng isang araw sa ospital para masiguro na kaya ng kumilos ni Anna, Unang anak kasi kaya medyo maselan pa ang lagay niya. Marami rin ibinilin ang doktor kagaya nang wag muna kumain nang masyadong solid o yung matagal matunaw, wag muna mag gagalaw dahil sa tahi niya. Ibinilin rin nito na kung maaari ay i-breast feeding muna ang sanggol para maging malusog ito.
Kinabukasan ng hapon ay pinayagan na silang umuwi ng doktor kaya't Masaya naman silang sinalubong ni aling Carmen na ina ni anna at alisa na bunso naman nitong kapatid.
Simula ng ikasal sila ay doon na nila ito pinatira, si Anton pa mismo ang nag suggest noon sa kanila dahil alam nitong ayaw malayo ni anna sa kanyang pamilya. Magaan din kasi ang loob ni Anton sa kanyang pangalawang ina at halos kapatid na rin ang turing nito kay Alisa kaya minabuti nitong tumira na lamang sila sa iisang bahay. Kaya ngayong may anak na sila ay napag-usapan na nilang mag asawa na hindi na muling babalik sa pag ttrabaho si Anna. Mananatili na lamang ito sa kanilang tahanan upang mas mabantayan at maalagaan ng husto si Angelo.
-
Huling araw na nang leave ni anton at ayaw niya pang iwan ang asawa.
"Mahal, hindi nalang kaya muna ako pumasok? Pwede naman e. Ayokong iwan kayo dito ni baby." PAngungulit niya sa asawa. Kanina pa nito pinapipilitan kay anna na huwag na muna pumasok at bantayan na lamang muna ang kanyang mag-ina ngunit siya 'rin namang tanggi ni anna. Kaya naman na daw kasi niya. Tsaka 'di naman siya nag-iisa dahil kasama nila ang kanyang ina at kapatid na si alisa sa bahay.
"Mahal naman, kaya ko na kumilos. Nand'yan naman si mama at alisa kaya hindi naman ako mag isa dito. Ayos lang kami nang anak mo." Paniniguro niya rito.
"Ang mabuti pa, ituloy na natin ang planong mag tayo nang karinderya diyan sa katabing bakanteng lote. Nakausap ko na yung may ari at kaya ko na namang bilin. Tsaka marami narin ang nag sasabi na sana nga raw ay simulan na natin. Nahihirapan kasi sila lumabas dito sa subdivision."
"Ayos narin naman sakin yun mahal. Para naman hindi ako mainip, alam mo namang hindi ako sanay nang walang ginagawa, ayaw mo naman na akong papasukin."
"Wag ka na nga kasi pumasok. Dito nalang kayo sa bahay ni baby."
Nginitian na lamang ito ni anna at humilig dito.
Iba ang sayang nararamdaman ni anna dahil sa sobra-sobrang biyayang binigay sa kanya ng diyos. Una ay si anton, at ngayon naman ay ang anak nila. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang kaligtasan nilang pamilya.
BINABASA MO ANG
Destined Prophecy [Completed/Revising]
Sonstiges- Stand Alone Story - A prophecy that destined by the past. [Completed/Revising]