Part XIII - Final Chapter Part 1

292 5 0
                                    


Unedited part...

 Part XIII – Final Chapter Part 1



Ngayon na ang huling araw ng preperasyon para sa kasalang magaganap bukas. Ang kasal nina Ate Alisa at Franco. Masaya ang lahat, kahit maraming ginagawa para sa paghahanda ay nakukuha parin naman naming magsaya. Excited na ang lahat para sa magaganap na pag iisang dibdib ng dalawa. Sa ngayon ay nasa tahanan ng mga Vindra muna ang pamilya. Dahil narin sa pamahiin na hindi muna pwede magkita ang dalawang ikakasal. Hindi naman tumanggi ang dalawa ng sundin iyon, Wala naman kasing mawawala kung susundin nila ang kasabihan. Ang mahalaga naman daw ay matutuloy ang kasalang iyon.

"Ganto ba talaga ang pakiramdam anna, Yung sobrang saya tapos kinakabahan ng sobra." Hindi mapakaling tanong ni ate alisa sa akin. Natawa naman ako.

"Ate, relax ka lang. Dapat ay hindi ka ma-stress ngayon dahil bukas na ang kasal mo. Dapat ikaw ang pinaka maganda." Ani ko. At sinuklyan ang kaniyang buhok. Madalas ko itong ginagawa noon pa man. Ang ganda kasi ng buhok nitong tuwid. May pagkabrown ng kaunti kaya naman bumagay sa maputing kutis nito.

"Anna, Salamat sa pag aalaga ha. Tsaka sa hindi pagtatanim ng sama ng loob sa akin dahil sa hindi ko pagsasabi ng totoo." Malumanay na sabi nito. Inakbayan ko naman siya, Yumakap naman agad ito sa aking bewang.

"Okay lang iyon ate, Atleast naman yung pagmamahal at pag mamalasakit mo sa amin ay totoo. Tsaka mabuti nga at hindi mo kami iniwan." Sagot ko at hinilig ang ulo ko sa kanya.

"I love you beh..." aniya. Napangiti naman ako.

"I love you too beh." Masayang sagot ko. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon at ninamnam ang mga sandal.

-----

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, Nakatitig lamang ako sa salamin habang tinitignan ang repleksyon ko roon. Pinagkiskis ko rin ang aking kamay na medyo nanginginig pa.

F*ck! Calm Down Franco!

Narinig kong bumukas ang pinto pero hindi na ako nag abalang lingunin kung sino iyon, Naramdaman ko nalang ang pag tapik ni daddy sa balikat ko.

"Ganyan talaga anak. Ganyan rin ang naramdaman ko ng ikasal kami ng mommy mo.," Nakangiting saad nito. Bakas ang kasiyahan nito sa kanyang mukha.

"Dad. Wala naman po sigurong problema diba. Naayos naman natin ang lahat." Nag aalalang tanong ko. Natawa naman ito.

"Anak... Matutuloy ang kasal niyo. At maraming nag babantay sa pag iisang dibdib niyo kaya wala ka dapat ipag alala. Everything was well arranged." Paninigurado nito.

Huminga na lamang ako ng malalim... Kahit paano ay nabawasan ang pangamba ko dahil sa sinabi niya...

Sumunod na pumasok naman ay ang dalawa pang babae sa buhay ko.

"Ang gwapo naman ng anak ko." Nakangiting bungad ni mommy sabay halik sa aking pisngi. Niyakap ko naman ito saglit bago lumayo ng bahagya.

"Syempre naman hon. Mana ata sa akin yan." Pag yayabang ni daddy.

"Oo na! Ikaw na gwapo." Kinikilig sa sagot ni mommy, Hinalikan naman agad ito ni daddy.

PDA! Teen ager lang ang peg?

"Pwede ba! Mom and dad. Mamaya na yang landian niyo, PDA much lang?!" mataray na saway rito ni cheska pero nakangiti naman ito.

"Oh! I'm sorry. We just carried away." Natatawang paghingi ng paumanhin ni daddy. Si mommy naman ay namumulang sinamaan ng tingin si daddy.

"Kuya!" tawag ni cheska na nagpalingon sa akin sa kanya. "Sa wakas! Ikakasal kana sa mahal mo. Sabi ko naman sayo, Worth it ang pag iintay. Parang kami lang yan ni Nestor." Aniya at hinaplos ang malaki nitong tiyan. Next month na ito manganganak kaya naman hirap narin ito kumilos.

"Yeah. Salamat sa diyos at hindi niya kami pinabayaan."

"God knows best. O siya tara na! Baka malate pa tayo at hindi matuloy ang kasal." Biro naman.

"Sis naman..."

Natawa nalang ito at nauna ng lumabas. Inalalayan naman ito ni Nestor na iniintay pala ito. Sumunod naman si sila mommy at daddy na naghaharutan pa.

After this day... Mararanasan ko narin ang tinatamasa nilang kasiyahan ngayon...

This day was the most happy and blessed day na binigay sa akin ng diyos.

Sumakay na ako sa sasakyang mag hahatid sa akin sa Simbahan. Kasama ko ngayon si Daddy. While my mom, sister at si Nestor. Ay nakaconvoy sa amin using Nestor's Car.

Tahimik lamang kami sa byahe. Hindi parin mawala ang kaba ko... Habang papalapit ng papalapit ay lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.

Kailangan ko pang bumuga ng hangin para mabawasan ang nakabara sa dibdib ko...

"Anak malapit na tayo." Ani ni daddy. Tumango lamang ako. Inakbayan naman ako nito tila ba nakakaramdam na kinakabahan ako.

"Relax lang..." aniya.

Tumigil na ang sasakyan. Huminga muna ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. This is it!

Sinalubong ako ng Vindra Family. Maging ang mga kaibigan ko noong college life. Naroon rin ang mga nakasama ko sa kumbento. Nag effort talaga silang makadalo para sa kasal namin ni Alisa. At alam kong magiging Masaya siya pag nakita niyang muli ang mga ito.

"Kamusta anak.. Salamat sa pag imbita mo sa amin sa kasal niyo.." Saad ni sister Margarita. Ang nagsilbing ina ko sa kumbento, siya angnag aalaga sa akin kapag wala si Alisa noon. Napakalaki ng papel nito sa buhay ko.

"Makakalimutan ko ba ho naman kayo? Napakalaki ng papel niyo sa buhay namin ni alisa. Kaya ako ang dapat magpasalamat sa pag dalo niyo." Naluluhang pahayag ko,

"Nako franco. Ihanda mo na lamang ang luha mo mamaya. Alam ko bubuhos yan mamaya pag nag umpisa na ang seremonya. Masaya kami na dito niyo naisip magpakasal. " Aniya ni Fr. Bernard. Siya ang magkakasal sa aming dalawa.

"Marami pong memories ang mayroon sa simbahang ito. Kaya naman noon pa man ay pinalano ko nang dito ganapin ang kasal namin. Noon ko pa poi to pinangarap. Mamaya-maya lang ay matutupad na.

"Masaya kami para sayo bro!" Masayang saad ni Billy. Isa sa mga kababata ko sa kumbento, na siya ring lagi naming nakakasama ni Alisa mula noon, Siya ang napili kong bestman.

Ilang minuto pa ay sumenyas na ang Wedding planner na mag uumpisa na.

Dumating na raw ang bridal car kung saan naroroon si Alisa.

Pumunta na agad kami ni billy sa harap ng altar at pumuwesto na. Maya maya lang ay tumunog na ang wedding song, It was our favorite song since before. Noong magkasama pa lamang kami sa simbahang ito.


I will be here by Gary V.


---

A/N : Nilagyan ko na lang po ng part 1 at 2 kasi wala na siyang Epilogue. Pinapahaba ko pa po kasi iyong part 2 kaya ito muna...'

YES! After this. Completed na siya :D Thanks god.




Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon