Part 2 of Final Chapter - A forever Love

402 5 0
                                    



Part 2 of Final Chapter. - A forever Love

Habang papaubos na ang naglalakad sa gitna ay siya namang lakas ng pintig ng puso ko. Nararamdaman ko narin ang matinding emosyon na ano mang oras ay alam kong kakawala na.

Oh God. Pwedeng I-fast forward... Piping dasal ko.

Nakangiting lumapit sa akin si Anna, nakasoot ito ng puting gown na kagaya ng tabas ng wedding gown ni Alisa. Medyo may kaunting pagkakaiba nga lang dahil maikli ito na lakpas ng kaunti sa tuhod. She hugs me.

"Ingatan mo si ate Alisa ah!, Kung hindi lagot ka sa akin!" Biro nito.

"Wag kang mag alala, Iingatan at aalagaan ko siya Anna." Nakangiting sagot ko. Tumalikod na ito at pumuwesto na kung saan ito nararapat.

Bumuhos lahat ng emosyon ko ng makita ko na ang babaeng pinakama-mahal ko na lumalakad na sa gitna ng simbahan papunta sa harap ng altar kung saan kami naroroon. She was so beautiful with her simple white gown with some blue highlight colors. Lumitaw ang kagandahan nito sa simpleng make up lang. How lucky he is to have this woman, soon to be his wife.

Sinalubong ito ng mga magulang niya at dahan dahan ay lumapit sa kinaroroonan ko...

I just looks straight in her eyes with tears.

Sobrang saya ko ngayon to the point na hindi ko na kinahihiya ang pagluha ko.

Nang makalapit na sila ay agad akong tinapik ni tito Rafael sa balikat.

"Ikaw na bahala ah. Aasahan ko ang pinangako mong aalagaan mo siya hanggang sa huli." Bilin nito. Agad naman akong tumango sa kanya.

"Makaka-asa po kayo na aalagaan ko siya tito." Magalang kong sagot.

"Papa nalang anak." Aniya. Nakangiting tinanguan ko na lamang ulit ito.

Her mom kisses me in my cheek.

"Hijo ha. Bigyan mo agad kami ng apo." Biro naman ng mama niya.

"Ma!" suway rito ni Alisa. Muli ay binilinan nila ako bago nila ibinigay ang kamay ni Alisa sa akin, Hinawakan ko ito ng mahigpit. She smiles on me sweetly.

Finally ! You will be mine now...

Pinunasan nito ang luha ko..

"Mamaya nayan bhe, Hindi pa nga nag uumpisa e." pang aasar nito. Hindi na lamang ako sumagot at nginitian ko na lamang siya.

Humarap na kami kay father at nag umpisa na ang seremonya.

Habang nagsasalita si father ay nakatingin lamang ako kay Alisa, na para bang siya lang ang pinakamagandang babae sa mundo at syempre para sa akin ay totoo iyon.

Sumulyap siya sandali sa akin at nginitian ako... I smiled back.

"Franco and Alisa, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?"

"Yes, Father"

"Will you honor each other as man and wife for the rest of your lives?"

"Yes, Father"

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon