Part XI

188 4 0
                                    

Part XI.

Isang ginang ang masayang nagbabalik sa kanyang pinagmulan. Dala niya ang iba't ibang kagamitan na nais niyang ibigay sa kanyang mga naiwanan.

Sa wakas ay tapos narin ang lahat, Nag tagumpay siya sa kanyang misyon. Natama na niya lahat ng pagkakamaling naidulot niya sa kanyang pamilya at mga taong nakasama niya sa nakaraan. Ngunit may isa pa siyang dapat ayusin. Iyon ay ang makilala siya ng kanyang anak...

Anak na iniwan niya para sa kaligtasan nito.

Muling nagbalik sa kanyang isipan ang nakaraan...

-

Masaya ako dahil nahanap ko ang aking ina ngunit kaakibat nito ay ang pagkabuo ng bata sa aking sinapupunan. Hindi ito ligtas sa kanya ani ng kanyang ina, Ito ay dahil sa misyon at propesiyang nakalaan sa kanya. Kaya naman ng maipanganak ko ang aking anak ay ibinalik ko ito sa kanyang ama. Nangako ako na babalikan ko siya ngunit isang masamang balita ang bumungad sa aking pag babalik. Wala na roon ang mag ama ko.. Wala na ang aking anak, Ngunit isang liham ang iniwan ng kanyang nobyo...

Ayon rito ay kinailangan nilang lumayo para sa kaligtasan ng kanilang anak, Hinahabol kasi ito ng mga mangkukulam na nais itong patayin upang lumakas ang kanilang kakayahan. Nalaman pala ng aking nobyo na ang anak namin ay isang anghel na siyang magliligtas sa mundo ng tao, Maging sa lahi ng mga anghel. Inamin niya rin na isa siyang tagapag lingkod ng diyos... Isang bagay na ikatuwa ko dahil siya ang nagbigay ng kulay sa aking buhay. Mahal ko si Rafael. Ang aking nobyo at ama ng aking anak... Nagkakilala kami nang ako ay umalis sa lugar namin. Nakasabay ko siya sa barko, at sa loob ng tatlong araw ay gumaan ang loob namin sa isat isa. Nanligaw siya sa akin, at tumagal ng anim na buwan ay sinagot ko na siya.

Nang mag anibersaryo kami bilang mag kasintahan ay may nangyari sa amin noong mismong gabing iyon. Iyon ang pinakamagandang pangyayari sa aking buhay. Buong pagmamahal ang ibinigay sa akin ni Rafael. Noong una ay inakala kong iiwan niya ako pagkatapos noon ngunit nagkamali ako. Bagkus ay mas lalo pa itong naging malambing at maalalahanin sa kanya.

Inamin niya rito lahat ng tungkol sa kanya at maging ang misyon at propesiyang nakaakibat sa kanyang buhay. Tinanggap niya ito, Siya pa ang tumulong sa akin upang mahanap ang aking ina. Balak na namin magpakasal noon ngunit kailangan niyang lumayo dahil may mahalaga siyang gagawin. Noon ay naiwan ako sa aking ina at nakalipas ang isang buwan ay nalaman namin na nagdadalang tao pala ako. Hanggang sa makapanganak ako ay kapiling ko lamang si Rafael. Bumalik agad siya ng malaman niyang mag kakaanak na kami.

Ngunit isang masamang pangyayari ang sumubok sa aming buhay, Nang dahil rito ay kinailangang lumayo ng aking nobyo...

Kasama ang aming anak.

Ipinagpasadiyos ko nalang ang kaligtasan nila, Hindi man ako lubos na nananalig sa kanya alam kong pakikinggan niya ako.

Iyon ang nangyari sa lumipas na apat na pu't tatlong taon.

Kamusta na kaya ang aking anak? Ang aking nobyo ay hindi ko na naabutang buhay....

Hindi ko maiwasang mapaluha ng alalahanin ang nangyari sa aking minamahal. Ayon sa aking ina ay inabangan raw ito ng mga mangkukulam at pinatay. At nalaman ko rin na iniwan nito ang aming anak sa isang simbahan.

Limang taon muna ang lumipas bago ko matunton ang nasabing simbahan,. Hinanap ko agad ang aking anak at hindi naman ako nabigo. Bilang ina ay alam ko kung sino ang aking anak,

May palatandaan rin ako sa kanya, Ang mapula-pulang marka nito sa bandang dibdib. Sabi sa akin ng aking ina ay swerte raw iyon sa aking anak, Ang markang iyon ay nagpapahayag na ito ay anak ng isang anghel. At dahil narin sa markang iyon ay masisigurado ang kaligtasan niya... Bagay na napatunayan ko batay sa pagsunod ko sa kanya.

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon