Part V.i - Pag bisita

398 5 0
                                    


Binago ko po ang part V ( 2 cuts po ito kaya may "i" ^_^)


Sorry po sa abala @DyslexicParanoia :D Dedicated po ulit sa inyo dahil sa ideas na nakuha ko sa Tres Ekis,


Gumagana ang brain cells ko nang dahil sa kwentong iyan, ahaha..


Hello Editor Ross at sa @DPEditors and of course kay Mommy A ( Ahahaha.. ako ay isang Feelingerang Froglet)



-



Part V.i

"Sa tingin mo ba dad, umaayon ang lahat?" Nag aalalang tanong ko sa aking asawa,

Binaba nito ang hawak na dyaryo at nilapitan ako...

"Mommy, You're thinking too much. Maayos naman ang lahat diba?, hindi pa naman nag paparamdam si Annika. Siguro naman ay kontento na siya sa mga nangyayari." Pahayag nito.

"Kasalanan ko itong lahat Ian, Sana hindi ko na iyon ginawa." Guilty kong pahayag.

Bumaling ako sa bintana at pinagmasdan ang paligid.

Bumalik naman sa aking alaala ang nangyari noon.

-

Ayon sa aking magulang, bata pa lamang ako ay kasama ko na si annika. Siya ang nag iisang bestfriend ko.Mula elementary hanggang sa mag highschool at siya na lagi ang kasa-kasama ko. Mabait ito at maalaga. Sakanyan ko naranasan kung paano magkaroon ng isang kapatid.

"Nasaan ang parents mo annika?" Tanong ko sa kanya ng minsang magpunta kami sa park.

"Hindi ko na sila nakita, Sabi ng mommy mo, Bata pa lamang daw ako ay iniwan na ako sakanila ng mama ko. Hindi raw kasi siya pinanagutan ng papa ko, at dahil doon ay naisipan niya akong ipamigay." Dumaloy ang mga luha sa mga mata nito."Masakit kasi hindi ko manlang siya nakilala, pero mas masakit? She left me alone. She left like I'm not her daughter, kahit sulat wala siyang iniwan. Wala din picture na maipakita si tita dahil hindi naman daw nila gaanong close si mama.Pero sabi niya ay may mga kaibigan raw ito, Sina Mildred at Nathasia. Iyon daw madalas ang kasama ng aking ina."

"Bakit hindi mo sila hanapin?", Tanong ko.

"Dahil sa kadahilanang hindi ko matanggap." Malungkot na saad nito.

Agad na kumunot ang aking noon. "Na ano annika?"

Tumitig ito sa akin bago ako sinagot, "Isang mangkukulam ang aking ina. At ayon sa aking pananaliksik. Maaring naipasa ito sa akin."

Nabigla man ako ay hindi ko na lamang pinahalata. Kailangan ko ito sabihin kay mama.

-

Kinabukasan...

"Goodmorning anak, Bangon na. Kain na tayo.." Nakangiting gising sa akin ni mama.

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon