Part VI - Ang Pag Uusap

262 5 0
                                    

Part VI. - Ang Pag Uusap

Matapos mag kamustahan ng mga pamilya ay kumain na muna sila.

"Ito pala ang pinaghahandaan mo mama?" Tanong ni alisa.

"Oo anak." Tipid na sagot ni Carmen.

"Nakakahiya naman, Nag abala ka pa ate Carmen", Nahihiyang sabad ni Ariella.

Uminom muna ng tubig ang ginang bago sumagot., "Wala iyon, Masaya ako at nag kita-kita na tayong muli, although may kulang...." Lumungkot naman ang mukha nito.


"Carmen..." mahinang sambit ni Yvanna.

Tumahimik naman ang lahat ng nasa hapag.


"Ano ba naman kayo.. Okay lang ako, At isa pa hindi naman mag tatagal ay mag babalik narin siya." Nakangiti nitong sagot.


"Sino ma?" taking tanong ni anna.


"Malalaman mo rin anak, at isa pa, marami akong ipapaliwanag mamaya..." pag putol niya sa paksang iyon. Nagkatinginan lang ang matatanda at tahimik na kumain. Alam na nila ang ibig sabihin ni Carmen.


Panahon na siguro upang malaman ng mga nakababata kung ano ba ang lihim ng nakaraan, Ang Propesiya at ang mga kaakibat nito sa kanilang buhay...


At para narin mapag handaan ang lahat...


-


Nang matapos silang kumain ay pumunta na sila sa Entertainment room ng bahay nila Anton. Soundproof kasi ito at tamang tama sa dapat nilang pag usapan.


Pumuwesto sila sa isang mahabang lamesa na naroon, Wala ni isang nagsasalita kaya naman si Carmen ang unang nag bukas ng usapan.

"Narito ako para linawagin lahat ng mga nasa isip niyo, alam ko na may mga bagay na gumugulo sa utak niyo dahil sa propesiya." Paninimula ng ginang.

"At ayon sa obserbasyon ko ay hindi naman ito nakasama hindi ba? Although alam ko, Nestor at anton," baling niya sa dalawa. "May tampo kayo sa mommy niyo, Nararamdaman ko iyan. Hindi niyo man sabihin ay nakikita ko sa inyong mga mata. Gusto kong linawin na iyon ay para sa ikabubuti niyo. Kayo ang mas higit dapat mag ingat dahil kayo ang pinaka target ng propesiyang ginawa ng aking kapatid, na siyang bestfriend ng inyong ina."

"Ano pong ibig niyong sabihin mama?" takang tanong ni anton.

Tumingin naman si Carmen kay Yvanna bilang tanda na ito ang mag papaliwanag.

"Bata pa lamang ako ay magkasama na kami ni Annika, Naging bestfriend ko siya simula pagkabata hanggang sa mag highschool kami. Kinupkop siya ng parents ko dahil iniwan na siya ng kanyang ina. Pero ayon kay mama, May mahalaga itong gagawin kaya nagawa niyang iwanan si annika. At iyon ay para hanapin ang nakabuntis dito,"

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon