Part X

277 6 0
                                    


Unedited...



Part X.

Tahimik lang na umiiyak si Franco habang nakatingin kay Lisa. Batid niya ang pag hihirap nito noon, Pinapakaramdaman niya muna ang kanyang sarili ngunit hindi galit ang nararamdaman niya para rito. Kundi pag hihinayang. Paghihinayang na sana ay sinabi nito ang totoo noon palang.

Tinignan niya ang singsing na suot nito sa daliri, Ito ang singsing na binigay niya noong niyaya niya itong magpakasal. Hindi niya mapigilang mapangiti, Itinago parin pala ito ng dalaga, Ang ibig sabihin noon ay mahal talaga siya nito.

Tumikhim siya ng bahagya bago nagsalita.

"Suot mo parin pala ang binigay kong singsing sayo.." nakangiting saad ni Franco.

Tumingin din doon ang dalaga at nakangiting nilaro iyon.

"Oo naman. Mahal ko ang lalaking nagbigay nito. Noong mga panahong hindi kita kasama, Lagi ko lang itong pinagmamasdan. May mga panahon na gusto ko nang sumuko pero kapag nakikita ko ito ay nag babago ang isip ko. Para bang sinasabi niya na wag kita sukuan."

Tumingin ito sa binata at hinawakan ang mga kamay nito..

"Sana mapatawad mo ako Franco, Iyon lang ang hiling ko sa diyos... Handa akong ibigay lahat ng gustuhin mo, Gagawin ko lahat para makabawi ako sayo..." Malumanay na pakiusap nito.

"Kailanman ay hindi ako nagalit sayo.. Tampo lang siguro dahil di ko naman maiiwasan iyon, Pero nawala lahat ng iyon dahil nandito kana ulit. Hawak na ulit kita, And I'll make sure na hindi na kita papakawalan pa. Isa lang naman ang gusto ko Lisa." Aniya.

"Ano yon? Kahit ano Franco ay ayos lang.." mabilis na sagot ng dalaga.

"Marry me, Hindi ka na makakahindi dahil hindi ako papayag." Pinal na pahayag nito.

Napapangiti namang tumango ang dalaga.

"E wala naman pala akong choice... Edi Oo. Papakasalan na kita." Magiliw na sagot ng dalaga.

"Bakit ayaw mo?" Malungkot na tanong ni Franco.

"Hey! Mahal kita okay? Kaya kahit ilang tanong pa yan Oo parin ang isasagot ko.. Matagal ang hinintay ko para makasama ulit kita. At hindi na ako papayag na magkalayo pa tayong muli. Pero may pakiusap sana ako sayo Franco." Ani ng Dalaga.

"Ano yon Lisa?"

"Wag sana natin madiliin, May mga kailangan pa akong gawin, Tulad ng pag amin kay anna ng totoo. Tsaka hinihintay ko pang bumalik si papa. Para sana dalawa sila ni mama na maghahatid sa akin sa altar. Gusto ko rin sana na maayos ko na ang lahat para kapag ikinasal na tayo ay sayo lamang lahat ng atensyon at oras ko."

"Walang problema mahal ko, Ayoko rin naman na maging pabigat pa sayo. At Okay lang naman siguro yon since paghahandaan pa natin ang kasal. I want our marriage be Beautiful, Yung pinangarap kong kasal noon pa man. And I'm sorry my future wife, I will not let you handle our Wedding preparation. I want to surprise you on our wedding day so, I'll just ask you some stuff you want to have in our wedding then the others will be mine." Nakangiting pahayag ni Franco habang yakap ni si Lisa.

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon