Part II.i Nestor & Cheska

836 13 1
                                    

Part II.ii

[Nestor's Point of view]

Nang makatulog na si cheska ay muli akong pumasok sa kanyang silid. Ayoko sanang pakitunguan siya ng ganon' kanina ngunit ayoko lamang siya'ng mahirapan pa. Hanggat maari, iniiwasan ko munang mapalapit ng husto sa kanya, hanggat hindi ko pa lubos naayos ang lahat sa amin ni anna. Gusto kong mag simula kami nang wala na akong iniisip pa. Na maayos na ang lahat, walang problema.

"I'm sorry, cheska. Just let me fix this and I will be a better husband for you." Bulong ng binata habang pinag mamasdan ang asawa.

Maganda ito at matalino. Malambing rin' at maalaga, madali lamang ito mahalin. Lahat ng katangiang hinahanap ng isang lalaki ay nasa kanya na. Halos may pag kakapareho rin sila ni anna. Kaya't ayaw niya itong saktan dahil para sa kanya ay para itong isang babasaging bagay na dapat ingatan at bantayan.

"Everything will be fine. Just wait for me, Cheska."

Hinalikan niya muna ito sa noo, bago dahan-dahang umalis sa kama at lumabas ng silid.

Sumapit ang alas dos ng madaling araw ay hindi parin ako nakakatulog kaya naman nag pasya akong lumabas muna ng silid at tumungo sa pool side ng bahay.

Nakita ko si cheska roon, at tila ba may malalim na iniisip.

"Hey,"

Lumingon naman ito sa kanya at tipid na ngumiti.

Iyon rin ang nagustuhan niya rito, Palangiti ito kaya naman nakakagaan ng mood.

"Bakit gising ka pa?," Tumabi ako rito bago matamang siyang tinitigann.

Ngumiti ulit ito ng tipid bago sumagot, "Naalimpungatan kasi ako. Hindi na rin ako makatulog kaya naisipan kong pumunta rito." Paliwanag nito, Tumango naman siya.

"Bakit pumayag ka, cheska?"

"Saan?," Naguguluhang tanong nito,

"Sa pag papakasal sa akin, wala ka bang boyfriend o manliligaw?,"

Agad itong umiling... "Naku wala, Tungkol sa nauna mong tanong..."

Huminga ito ng malalim bago humarap sa akin, " Hmm.. simula noong bata pa tayo, sinasabi na sa akin ni mommy na ikaw ang ipapa-kasal nila sa akin. Naguguluhan ako non' dahil, ano ba naman ang alam ng isang batang eight years old noon. Naisip ko nga na parang bahay-bahayan lang ang peg eh." Pag papatawa nito kaya naman napangiti narin ako.

"I was treated like a princess in our house. Nag iisang anak lang kasi ako. At nasanay ako na sumusunod sa lahat ng bilin at pinapagawa nila. Dahil bata ako, wala rin naman akong magagawa kung hindi sumunod."

"Nung una tayong nagkita," Pag papatuloy nito. "Nakakahiya man, pero... crush na kita non'" Nahihiyang pag amin nito.

"Really? e diba hindi naman kita pinapansin 'non?" namamangha kong sabi.

Tumango ito at tumingin sa ibang direksyon bago nag patuloy sa pag ku-kwento.

"Ang weird man pero para kasi sa akin, masarap makasama yung masungit, para bang, I want to make them smile. Yung ngiti na ako ang may gawa o dahilan." Humarap itong muli. " Nagawa ko naman diba? I make you smile once, but that once was the best thing I've done noong bata ako. Kasi napangiti ko ang isang masungit na bata." Pahayag nito bago ako nginitian ng napakatamis. Na nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Destined Prophecy [Completed/Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon