Part V.ii
Kasalukuyan akong nasa hardin ng biglang pumasok sa aking isipan ang isang mensahe. May paparating na mga bisita.
Dali-dali ay pumunta ako sa kusina upang maghanda ng makakain para sa mga bisita, Nakita ko roon si Cheska. Binati ako nito.,
"Cheska Hija, Mabuti pa ay mag ayos kayong apat, may paparating na bisita."
"Talaga po?, Nako kailangan po ba bonggang damit?", natatarantang saad nito kaya bahagya akong natawa.
"Hindi naman Hija, dito lang naman tayo sa bahay, basta mag-ayos kayo kahit pang bahay lang."
"Ahhhhh. Sige po!" hiyaw nito at nagmamadaling pumunta sa Entertainment room kung saan nandoon ang iba pa.
Ako naman ay pinagpatuloy ang pag hahanap ng maluluto, hinanda ko na ang mga rikado at nag-umpisa nang mag gayat. Pumasok sa kusina si Alisa.
"Mama, ano pong meron?"
"May bisita tayong paparating anak, mabuti pa ay maligo ka narin at mag ayos, Suotin mo yung damit na binili ko sayo." Nakangiting bilin ko.
Nangislap naman ang mata nito nang malaman iyon, agad itong nagpaalam at umakyat na.
-
Nang maluto na ang mga pagkain ay naligo narin ako at nag ayos ng kaunti, Alam kong napakahalaga ng araw na ito para sa aming lahat lalo na sa mga anak namin, Sa wakas ay mabubuo na kaming muli.
Sumapit ang Alas-Onse ng umaga ay may narinig na akong sasakyan na pumarada sa harap ng bahay.
Pumunta ako sa sala at nakita ko silang prenteng nakaupo habang nanonood ng TV, Si anton naman ay pinapadede si Angelo.
Lumapit si anna sa akin, "Ma, sino po ba dadating at mukhang pinaghandaan niyo talaga?"
"Makikilala mo rin sila anak, at nandito na sila." Nakangiting sagot ko na lamang. Malamang ay nawiwirduhan na sila sa akin, pero hinayaan ko nalang.
Agad akong nagtungo sa gate para buksan ito, Nakita ko naman ang apat na nakatayo sa harapan ng gate, Sila Ian at Yvanna naman ay tila nag tuturuan pa kung sino ang mag do-door bell. Natawa ako kaya naman napukaw ang pag tatalo nila.
"Ano bang kalokohan yan at nag tuturuan pa kayo." bungad ko rito.
"Ito kasing si Adriano, ayaw pa mag doorbell" Pagsusumbong ni Yvanna.
"Ba't ba kasi ako!" iretableng sagot nito.
"Hoy tumigil na nga kayo!" natatawang saway ni Ariella. "Nakalimutan niyo na ata na malakas ang pakiramdam nitong si Carmen, ayan oh siya na mismo nagbukas para sa inyo."
"Bakit nga ba kayo nandito?" nakangiting tanong ko.
"Ahm, gusto kasi sana namin ikaw makausap at kamustahin, Alam mo na.." nag aalangang sagot ni carrick.
"Alam ko ang sadya niyo, Halina kayo at nandoon sila sa sala," Aya ko sa kanila.
Papatalikod na ako pero muling napatingin sa kanila. Wala ni isa ang sumunod sa akin. Siguro ay kinakabahan...
"Maduduwag nalang ba kayo diyan? I'm sure namimiss narin kayo ng mga anak niyo, Wala kayong dapat ipag alala, ipapaliwanag naman natin ang lahat diba? Tutulungan ko kayo."
"Pero baka kasi galit pa ang mga anak namin, Carmen" malungkot na saad ni yva.
"Paano niyo malalaman kung hindi niyo aalamin?" Seryoso kong pahayag.
"Tara na mommy." Pag aya ng asawa rito, Huminga lang ito ng malalim bago kumapit sa akin.
Nakita ko namang sumunod na sina ariella at carrick. Alam ko na wala namang problema sa kanilang anak.
-
Pag pasok namin sa sala ay nabungaran namin ang apat na nagtatawanan. Si alisa naman ay kakalabas lamang galing kusina.
"Andito na ang mga bisita!", masiglang anunsyo nito. Kaya naman napatingin ang lahat sa amin.
"Nestor, Anton anak, Halika kayo at batiin niyo ang parents niyo" utos ko sa mga ito. Sumunod naman ang dalawa at humalik sa mama nila. Si Yvanna naman ay hindi na mapigilang mapaiyak, at niyakap ng mahigpit ang kanyang mga anak.Ganun din si Adrianno na nakisama sa yakapang iyon.
"Mommy!" Masayang hiyaw ni cheska, agad itong yumakap sa magulang at pinag hahalikan ito kaya naman natatawang yumakap rito ang mag asawa.
Lumapit ako sa aking mga anak na kapwa Masaya rin dahil sa pag kikita ng dalawang pamilya.
"Sana nandito si papa, para buo rin tayo." Mahinang saad ni anna habang nakahilig sa aking kanang balikat at nilalato ang kargang si angelo.
"Oo nga ate, mama, Pero alam ko na nakikita niya rin tayo ngayon" nakangiting sambit ni alisa.
"Oo mga anak, Nandito lang ang papa niyo." Sagot ko.
Sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang aking asawang nakangiti sa amin.
Nilingon ko ito at sinabihan ng "I love you" ngumiti ito ng matamis sa akin at sinabing "Mahal din kita,", iyon pa ay naglaho na ito.
Alam kong malapit na ang panahon at magbabalik na ang aking asawa bilang tao. Hiling ko na magtagumpay siya sa kaniyang misyon.
Malapit narin kaming mabuo....
-
BINABASA MO ANG
Destined Prophecy [Completed/Revising]
Random- Stand Alone Story - A prophecy that destined by the past. [Completed/Revising]