dedicated to @DyslexicParanoia - My 1 and only favorite Dark writer, Tsaka inspiration ko siya sa pag susulat kaya naisipan kong mag laan ng isang part para sa kanya, para narin makapag thank you.
Thank you very much po \.^_^./ :*
Part III. Kasalukuyan
[Anton's Point of View]
"Antonnnnnnn! " Tawag ng kanyang asawa mula sa kung saan.
" Bakit?!, Nasaan ka ba?", Balik sigaw niya.
"Nandito sa kusina!", Sagot nito kaya naman agad niyang tinungo ang kusina.
"Bakit mahal?",
"Wala ka bang nakakalimutan anton?" seryosong tanong nito sa kanya. Napakunot naman ang noon niya sa sinabi nito.
"Na ano mahal?",
Nag bago naman ang expression ng mukha nito at tila nalungkot ito sa sinagot niya.
"Ganon' ba? Ah sige. May ginagawa ka ata." Pagtataboy nito.
Napakamot nalang siya ng ulo bago bumalik sa kusina.
Sa loob-loob ko ay natatawa ako dahil sa kalokohan ko, Unang anibersaryo kasi namin bilang mag asawa. At syempre may surprise ako para sa misis ko. Ako pa ba?!,
My poor anna, sa isip isip niya.
Plano niya kasing magkunwari na nakalimutan niya ang anibersaryo nila, tapos ay mag papaalam siya na may pupuntahan siyang kung saan. Nakapag paalam na siya kay anna kagabi at kagaya ng inaasahan niya ay malungkot ito, kahit pa pilit itong ngumingiti sa kanya.
Pag sapit ng alas nueve ng umaga ay nagpaalam na siyang aalis na.
"Mahal, Aalis na ako, babalik din ako agad ha. Basta magtetext ako sayo.,"
Paalam niya kay anna na kasalukuyang pinapaliguan si angelo.
"Ingat ka mahal," Sagot nito at hinalikan siya sa labi.
T*ng In@, Kinilig ako.
Nginitian niya ito at hinalikan pa sa noo bago nag paalam uli at tuluyan nang lumabas ng bahay.
Pagkasakay sa sasakyan ay tinawagan niya agad si Thomas. Nang maka-tatlong ring ay sumagot ito.
"O pare kamusta?" bungad nito sa kanya.
"Paalis na ako sa bahay pare, ano ayos na ba?"

BINABASA MO ANG
Destined Prophecy [Completed/Revising]
Sonstiges- Stand Alone Story - A prophecy that destined by the past. [Completed/Revising]