Ella's POV
Maingay.
Magulo.
Pasaway.
Makukulit
Iyan ang eksaktong paglalarawan ng iba sa seksyon namin pero kahit ganyan kami, may pagkakaisa pa rin. Itinuturing na namin ang bawat isa bilang kapatid.
Kung may isang inaapi o inaaway paniguradong may reresbak para sa kanya.
"Hoy, Ella!"may narinig akong tumawag sa akin kaya naman napalingon ako para tignan kung sino 'yon.
"MJ!"nakatawang banggit ko sa pangalan niya sabay high five sa kanya.
"Nasaan na si Lemuel? Si Sam? Si Nard?"tanong ko sa kanya. Magkakabarkada kaming lima nina Lemuel, ang leader ng grupo, Sam, Nard at MJ. 6 seconds of summer ang tawag sa grupo namin, in short 6sos.
Alam niyo ba kung bakit yun ang tawag sa grupo namin?
We're wondering kasi kung bakit 5sos ang tawag sa grupo nina Calum Hood, eh apat lang naman sila sa grupo nila di'ba? Eh kami lima kami kaya ayun simula nun tinawag namin ang grupo namin bilang 6sos.
"Ewan sa mga yun!"turan niya habang nakakunot ang noo.
"O siya hanapin natin sila. Lunch break namin, mahaba pa ang break time natin. Tara!"sabi ko sa kanya sabay akbay kay MJ.
By the way, ako pala ang nag-iisang babae sa grupo namin kaya nga ang tawag sa akin ay One of the Boys pero wala akong pake sa kanila. Upakan ko sila eh.
"Napakainit naman!"reklamo ni MJ at hinugot niya ang napakalaking panyo sa bulsa niya. Ipinandong niya iyon sa kanyang ulo.
"Ano ba, MJ? Ang bulok ng style mo. Konting init lang eh."sarkastikong pahayag ko sa kanya. "Umamin ka nga! Bakla ka ba?"tanong ko sa kanya at pumuwesto ako sa harapan niya at tumigil kami sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...