Ella's POV
Madilim ang paligid, hindi ko alam kung nasaan ako. Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong makita kundi isang dilim. Napakatahimik. Ayaw ko nang ganito.
"Ate!" sigaw ko kay ate at baka sakaling nandyan lang siya ngunit bigo ako. Wala siya rito.
Naisipan kong maglakad-lakad muna para malaman ko kung napuntahan ko na ba ang lugar na ito ngunit wala akong matandaan. Wala akong nakikitang ibang tao. Puro damo lang ang paligid, napakahirap suyurin nito.
"Tulooooooooooooooong! May tao ba diyan?" tanong ko ngunit nag-echo lang ang boses ko sa kawalan.
Nakakaramdam na ako ng kilabot. Unti-unti ng nagtataasan ang mga balahibo ko. "Hindi, hindi ako ganito. Matapang ako, Ella ata ang pangalan ko no? Pinalaki ng mga magulang ko na lumaban kapag naapi!" bulong ko sa sarili para naman maibsan ang takot na aking nadarama.
Nananatili ako sa kinatatayuan ko at wala pa ring pagbabago sa paligid ngunit mga ilang saglit ay nakarinig ako ng yabag na parang natakbo papalapit sa kinaroroonan ko.
Tumingin ako sa likod ko at nakakita ako ng isang tao nakabistida at nakamaskara at alam kong peke ang kanyang buhok. At ang nakakakilabot ang puno-puno ng dugo ang maskarang hawak niya at hawak rin siyang napakatalim na kutsilyo. "Sino ka?" tanong ko at bahagya akong napaatras.
Alam kong tinititigan niya lang ako. Hindi ko alam at bigla na lang na may nagtutulak at nagsasabi na lapitan siya.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nang kaharap ko na siya ay gusto ko sanang makita kung sino siya ngunit nagulat na lang ako nang bigla niya akong sinaksak sa sikmura pero hindi ako nagpatalo at sinipa ko siya dahilan para mapaluhod siya at sinamantala ko na ang pagkakataon para tumakbo.
"Shet! Ang sakit!" inda ko na lang sa sugat ko dahil sa aking pagtakbo ay alam kong naglalabasan rin ang dugo mula sa aking sikmura. Napakasakit.
Napakahirap tumakbo rito dahil napakaraming damo. Tumitingin ako sa bandang likuran ko at nakita kong napakabilis niya rin tumakbo. Tinataga niya ang mga damong nakaharang sa daan niya.
"Ayaaw ko pang mamatay kaya gagawin ko ito. Bilisan mo, Ella. Bilis!" sabi ko sa sarili ko. Para na akong nababaliw. Kahit sino naman ang malagay sa posisyon ko ay ganun din ang mararamdaman.
Sa aking pagtakbo ay bigla na lamang ako nadapa. Napakasakit at sa bato pa napahampas ang tuhod ko. Hindi man ito nagdugo ngunit ramdam na ramdam ko ang sakit sa buto. Mga ilang sandali at lumabas na rin ang dugo sa tuhod ko.
Pinilit kong tumayo ngunit hindi ko magawa. Tumingin ako sa likod ko at kinilabutan ako nang mapagtantong hindi na siya nasunod sa akin.
Kung sa iba, kapag hindi na nila nakita ang killer, natutuwa pero sa akin hindi. Sa mga horror stories kasi kapag may scene na ganito, kalimitang pasulpot-sulpot kung saan saan ang killer. Ayaw kong maranasan 'yon.
"Hindi ka pa mamamatay, Ella. Mabubuhay ka para sa mga kaibigan at ate mo okay!?" sabi ko na naman sa sarili. Bakit ganun? Pag may nangyayaring ganito ay lagi ko na lang kinakausap ang sarili ko.
Inikot ko ang tingin ko at wala na talaga ang hayop na demonyong sumusunod sa akin ngunit hindi pa rin ako dapat maging kampante.
Habang wala pa ang killer ay hinubad ko ang suot kong tshirt at inilagay ko sa sugat ko bilang pressure sa sugat. Wag kayong mag-alala nakasando naman ako. Siguro iba na ang iniisip niyo ano nung sinabi kong hinubad ko ang tshirt ko no?
Pagkatapos kong gawin 'yon ay pinilit ko namang tumayo ngunit hirap na hirap ako. Pinagpapawisan na ako! I hate this feeling.
"Ayaw ko na! Napakasakit na!" bulong ko sa sarili ko ngunit naisip ko na lang ang mga kaibigan at si ate na patuloy na nagmamahal sa akin. "Aatungal yun si ate kapag nalaman niyang namatay ako kaya hindi pwede. Ayaw ko siyang makitang umiyak! Kailangan kong tumayo" sabi ko sa sarili ko.
Nakatayo na ako ngunit nang tumingin ako sa harapan ko ay nakita ko na ang salarin. Nakasuot pa rin siya ng maskara at mababakas mo sa kanyang mata ang isang ngiti. Ngiting nakakakilabot, ngiting gustong pumatay.
Hindi ako nagkamali at bigla na lang niya akong pinagsasaksak sa tiyan. Napakasakit, inikot-ikot niya pa ang kutsilyo para maramdaman ko talaga ang sakit.
Inilibas niya ang kutsilyo sa tiyan ko nakita ko ang ilang piraso ng aking bituka. Napaiyak na lamang ako at mga ilang sandali ay sinaksak niya ako sa mata at gaya kanina ay inikot-ikot niya ulit ito.
Ang ayaw kong mangyari ay mapatay niya ako ngunit wala akong magawa. Pinagsasasaksak niya ako sa leeg. "Ahhhhhhhhhhhh" napasigaw na lamang ako.
"Ella! Ella! Ella!" narinig kong may tumatawag sa akin at laking tuwa ko nang makita ko si ate. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko na lang siya. Nananaginip lang pala ako at nakahinga na ako ng maluwag. Akal ko talaga ay yun na ang katapusan ko at hinding-hindi ko na makakasama sina ate at ang mga kaibigan ko.
END OF CHAPTER 6
Yiz! Nakaupdate na ko dito after 3 months XD pahapyaw lang po 'yan sa mga susunod na chapter. Malapit na kasi ang Killing Season dito Bwahahahaha
![](https://img.wattpad.com/cover/40253872-288-k310339.jpg)
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...