Nagpunta muna ako sa kwarto ko. Magbibihis muna ako. Naisip-isip kong hindi sapat ang ginawa ko kanina kaya balak ko sa sanang dagdagan pa 'yon.
*toktoktok
"Sino 'yan? Nagbibihas lang ako. Maghintay ka muna diyan!"sigaw ko dun sa kumakatok na 'yun.
"Si Trixie 'to. Bakit mo naman ginawa yun kay Peter!"sigaw ni ate.
Nilabas ko na siya. "Aba, dapat lang sa kanya yun. Kulang pa nga 'yun. Gusto ko pang bangasan yung kabila niyang mukha. Hahahahaha."sabi ko kay ate Trixie.
"Ang bait bait kaya nun. At isa pa kaya namin siya isinasama rito ay dahil kay Ms. Lily, kinaibigan namin siya para makahuthot na rin kay Ms. Lily. Paano 'pag nakita ni Ms. Lily yung pasa sa mukha nun?"nag-aalalang turan ni ate.
"Masyado kang kabado. Tara nga sa baba. Mags-sorry ako."aya ko sa kanya kaya naman sumunod siya agad sa akin.
"Mabuti naman. Alam mo mabait ka naman eh."sabi pa ni ate habang naglalakad kami pababa.
Nang makarating na kami sa baba ay nakita kong ginagamot ni Andy ang pasa at sugat ni Peter kaya naman napatawa na lamang ako. Buti nga sa kanya.
"Ba't ayaw mong gamutin 'yang pasa mo, MJ?"tanong ko sa kanya.
"Mamaya na. Hindi na naman masyadong masakit eh."sagot niya sa akin habang nakangiti kaya nginitian ko rin siya.
"Kamusta, Peter?"nanunuyang pahayag ko kay Peter kaya bahagya siyang napatingin sa akin ngunit hindi niya ako pinansin. "Aba, suplado 'tong gagong 'to ah!"bulong ko.
Akmang lalapit ako kay Peter nang biglang hinawakan ni Kelvin ang kamay ko. "Awat na, Ella. Pumunta kami dito para magsaya hindi magpagulpi sa'yo!"paangil na turan ni Kelvin.
"Masyado kang maarte. Hihingi na nga ako nang tawad eh no?"sagot ko sa kanya at marahas kong tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Dear! Sorry sa ginawa ko ha?"maamo kong sabi kay Peter at biglaan kong tinapakan ang kanyang paa dahilan para mapangiwi siya.
"ELLAAAAAAAAAAAA!"sigaw nilang lahat sa akin kaya naman nagpeace-sign na lang ako at lumayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...