Ella's POVBreak time pa namin kaya napagdesisyunan ko na yayain si Nicky sa gymnasium kung saan nandun din sina MJ, Lemuel, Sam at Nard, in short ang tropa ko.
"Nicky, tara sa gymnasium!" Aya ko sa kanya habang nakangiti at ngiti rin ang isinagot niya sa akin. Napakamisteryosa talaga niya, napakahirap niyang basahin.
"Sige. Hintayin mo lang ako!" Matipid niyang sagot at akmang aalis na siya nang bigla kong hinawakan ang kanyang braso.
Tinitigan niya ako at tila napakalalim ng titig niya sa akin. "Matanong lang, nasaan na si Nick? Hindi pa rin siya pumapasok?" Nagtatakang tanong ko sa kanya at tumungo lamang siya. Ilang araw na rin kasing absent si Nick. Kung naalala niyo siya yung kakambal na lalaki ni Nicky.
"Hindi ko alam. Hindi ko na rin siya nakakausap nang maayos!" Walang ekspresyon na sagot nito at walang kabuhay-buhay. Sadyang napakalungkot ng buhay niya.
"Okay sige." Nakangiti kong sabi at tumango lamang siya. Naglakad na siya palayo sa akin at alam ko ng tatakas lamang iyon. Lagi namang ganon yung babaeng iyon. Ewan ko ba?!
Napagdesisyunan ko na lang na ako na lang ang lumakad mag-isa papunta sa gymnasium tutal di naman ako sasamahan ni Nicky. Naglakad na ako papuntang gymnasium at nakasalubong ko si LJ.
"LJ, saan ka papunta?" Tanong ko sa kanya.
"Hays. Nakakainis 'tong si Lilepal! Ang daming inutos sa akin dahil mawawala siya mamayang hapon." Sagot ni LJ habang nakasimangot. Napakaganda talaga niya kahit na nakasimangot.
"Eh bakit na naman daw ba?" Tanong ko na naman sa kanya.
"Hindi mo ba alam?" Nagtatakang turan ni LJ habang dilat na dilat ang mga mata.
"Hindi alam ang ano? Anong kailangan kong malaman?" I asked.
"Karlo was gone. He was killed by the fucking serial killer here in our cheap school!" Bulong ni LJ sa akin at medyo nakaramdam ako nang konting kaba kaya naman napatakbo na lamang ako papuntang gymnasium at iniwan ko na lamang siyang nag-iisa.
Mabilis kong narating ang gymnasium at nakita ko doon ang 6sos at si Trixie. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan kaya naman agad akong lumapit sa kanila.
"Mukhang seryoso 'yang pinag-uusapan ninyo ah!" Nakangiti kong sabi sa kanila at ibinaba ko muna ang bag dun sa lugar na nakalapag din ang bag nila.
"Hindi mo muna kailangang malaman." Seryosong saad ni MJ at napakunot-noo na lamang ako at nagkibit-balikat.
Napabuntong-hininga ako dahil sa kahibangan nilang lima. "Ano? Bakit hindi ko pa pwedeng malaman. Kaibigan niyo ko diba?" Paalala ko sa kanya para naman makonsensya sila. Mga adik eh.
"Sorry, Ella. Pero malalaman mo rin naman in the right time. Huwag muna ngayon because we're not that sure." Lumapit sa akin si Nard at hinimas ang likod ko. "Alam mo naman na mahal na mahal ka namin ng 6sos at ng ate mo diba?" Paglalambing nito at kinurot na naman ang pisngi ko.
"Ano ba, Nard. Ang sakit ah!" Reklamo ko sa ginawa niyang pagkurot sa pisngi ko. Lagi na lang kasing pisngi ko yung pinagdidiskitahan eh. "Okay fine but in the right time kailangan malaman ko rin 'yan ha? Ang daya niyo pa rin naman eh!" Naka-ismid kong sabi habang nakataas ang noo ko.
"Syempre naman!" Sagot ni Nard at nagkatinginan silang lahat. Ang weird talaga ng mga ikinikilos ng mga tao dito sa campus.
"By the way, have you heard the news?" I asked them.
Nagkatinginan na naman silang lima. "Anong balita naman iyan?" Singit ni Sam habang naka-ismid din na tila hindi naniniwala sa akin.
"Karlo was killed." Bulong ko sa kanila at parang hindi na sila nagulat sa sinabi ko. Sigurado ako na alam na rin nila at ako na lang yata ang hindi pa nakakaalam.
"Alam na namin iyan! Kanina nga 'yan ang--------" Hindi na natapos si Lemuel sa pagsasalita nang bigla siyang kurutin sa hita ni Nard at tila may inililihim nga sila sa akin.
"So iyon pala ang pinag-uusapan ninyo. Iyon lang pala hindi niyo pa sinabi sa akin. Hindi naman ako matatakutin eh. Ano ba naman!?" Nakangiti kong saad sa kanila at pilit silang nagtawanan.
"Anong hindi matatakutin? Noong nanaginip ka nga eh hindi ka na makatulog at grabe na ang pagkapit mo sa akin na parang may hihila ng paa mo!" Natatawang kantyaw sa akin ni Ate Trixie at lalong nagtawanan ang mga gunggong kong kaibigan.
"So natatakot kayong malaman ko iyon! Mga ulol, matapong ako!" Depensa ko sa kanila ngunit tinawanan lang nila ako.
"Okay. Oo na lang!" Singit ni Nard at tinaasan ko lamang siya ng kilay.
Ilang sandali ay may narinig akong tumawag ng aking pangalan. "Ella!" Cold na banggit niya sa pangalan ko.
"Oh Nicky! Hello!" Sabay na sabay na sigaw ng mga kaibigan ko.
Humarap ako at nakita ko siyang nakangiti. Aba first time in forever yata ito. "Akala ko hindi mo na ako sasamahan dito eh!" Nakangiti kong sabi sa akin at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Medyo may kakaiba lang sa kanya dahil parang naging maaliwalas ang mukha niya.
"Ang ganda niya!" Bulong ni Sam kaya naman binatukan ko na lamang siya.
"Hoy huwag si Nicky!" Banta ko sa kanya kaya naman nag-peace sign lamang siya. May kaboglihang taglay rin kasi si Sam kung minsan.
Nakalapit na sa amin si Nicky at tahimik lamang siyang umupo sa tabi ko. Napakatahimik at weird talaga nitong babaeng ito.
"Ilang minuto na lamang at oras na uli ng klase ah!" Paalala niya sa amin at wala ni isang umiimik dahil nakatitig lamang sila sa ganda ni Nicky.
"Ay oo nga eh!" Sagot ni Nard. "Gusto ka sana naming yayain bukas sa lakad namin. Game ka?" Tanong ni Nard at tumango lamang ito.
Aba nakakapanibago na to si Nicky ah.
END OF GAME 10
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...