Ella's POV
Bago kami makapasok sa mall ay isa-isa kaming kinapkapan. Napakahigpit naman dito. Mukha ba kaming kriminal or shoplifter.
Nang tuluyan na kaming nakapasok ay nagsisigaw na lang bigla si Nard na parang may tama sa utak.
"Woooooooooooooooooo"nakisali na rin si MJ sa pagsigaw kaya naman napailing na lamang kami ni Lemuel samantalang si Sam ay tawa lang nang tawa.
"Ano ba yan? Parang mga taong-bundok."narinig kong bulong nung babaeng nakatingin sa amin.
"Baka first time pa lang sa mall."maarteng sabi nung kasama niyang mukhang tsinelas.
Sinamaan ko sila nang tingin kaya naman inalis nila ang tingin sa amin at naglakad palayo sa amin.
"Hayy nako. Akala mo naman kung sinong mayaman eh mukha naman silang tsinelas at palaka. Mas mukhang mayaman pa nga ako sa kanila eh"parinig ko dun sa dalawang babaeng nang-alipusta sa amin.
"Hoy! Kami ba pinaparinggan mo?"galit na tanong nung babaeng mukhang tsinelas.
"Excuse me lang po. Hindi po ako nakikipag-usap sa mga strangers"sarkastikong sabi ko sa kanila.
Napansin naman ng mga kaibigan ko na inaaway na ako nitong dalawang babaeng 'to kaya lumapit sila sa amin.
"Ako na!"bulong ko sa kanila.
"Hindi ka nakikipag-usap sa strangers? eh mukha ka ngang namamalimos lang eh"yung babaeng mukhang palaka naman ang nagsalita.
"Parang hindi ko gusto yung tono ng pananalita mo ah!"sigaw ko sa kanya at bigla ko siyang sinapak sa pisngi. "Tara takbo!"sabi ko sa mga kaibigan ko kaya dali-dali kaming nagsitakbuhan.
"Guard! Guard!"narinig kong tumawag sila ng guard kaya naman mas binilisan pa namin ang pagtakbo sa takot na maabutan kami ng mga guwardyang mukha unggoy.
"Exciting 'to!"masayang sigaw ni Nard na nangunguna sa pagtakbo.
Patuloy pa rin kaming hinahabol nung mga guard. Akala nila uurungan namin sila, hell no!
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...