GAME 2

89 4 0
                                    



Ella's POV



Malapit na kaming makapunta sa room namin at mabuti dahil wala pa ang aming teacher. Paano ba naman naririnig ko pa ang ingay ng mga kaklase kong takas sa mental.



Nadatnan ko silang nagbabatuhan ng mga kung ano-ano, yung iba naman ay nas-sound trip at yung iba ay nakanganga habang tumutulo ang laway at humihilik, in short tulog. Sadya talagang baliw ang mga kaklase ko dahil kinukuhanan nila ito ng litrato.



Lumapit naman si Nard sa teacher's table at kinuha ang patpat. Ipinukpok niya ito sa mesa kaya naman dali-daling nagsibalikan ang mga kaklase namin sa sari-sariling upuan akala kasi nila teacher na namin yun.



"Ano ba naman, Nard? KJ ka na ba ngayon?"dismayadong sigaw ni Michael sa kanya kaya agad namang binato ni Nard ng eraser si Michael.



"Boom. Ayan kasi eh! Haahahahaha"pang-aasar ni Kelvin dito kaya naman nainis si Michael at ibinato niya ang eraser dito ngunit di naman nagpaapekto si Kelvin bagkus ay dinilaan niya lang ito.



"Aishhhhhhhhh... Continue!"nakangiting anunsyo ni Nard at pinukpok nang malakas ang lamesa. "WHOOOOOOOOOOOOOOO! Party!"sigaw pa nito.



Bumalik na lang ako sa upuan ko baka madamay na naman ako 'pag naabutan sila ng teacher eh. Laging laman ng guidance office ang mga kaklase ko.



"Hello, Ella!"bati sa akin ni Nicky. Si Nicky ay isa rin sa mga kaklase ko, isa lang naman ang masasabi ko diyan bukod sa sobrang cute ay napakahinhin niya.



"Hi!"bati ko rin sa kanya. "Nasaan si Nick parang di kayo magkasama?"tanong ko sa kanya. Magkapatid sila ni Nick at Nicky, mas matanda si Nick kaso tumigil siya ng isang taon kaya naabutan siya ng kapatid niya.



"Ewan ko dun baka nasa cr lang. Alam mo naman doon lang yun tumatambay. Hahahahaha"paliwanag nito. Ang cute ng boses niya, parang yung mga nagd-dub sa mga cartoons at anime.



"Okay. Tara Nicky, mag-advance reading na lang tayo para may maisagot tayo sa recitation mamaya."aya ko sa kanya at agad naman siyang pumayag.



Mga ilang sandali pa ay dumating na ang teacher, hindi iyon inaasahan nina Nard kaya naman gulat na gulat sila at nagpeace-sign kay Ma'am.



"See me after class!"seryosong sabi nito kay Nard habang nanlilisik ang mata kaya naman hindi maipinta ang mukha ni Nard.

HIDE N KILL: The Killer's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon