Ella's POV
Naglalalakad kami ni MJ papunta sa sari-sarili naming bahay. Magkalapit lang kasi kami ng bahay kaya lagi kaming magkasabay sa pag-uwi.
"Sino nga pala yung nakasagupa mo kanina. Peee? Ano nga?"tanong sa akin ni MJ.
"Peter. Hayup yun! 'Wag talaga siyang magkakamaling dumaan dito sa kanto kundi ipapagulpi ko siya sa mga aso at lasinggo dito. Hay shoplifter daw tayo. Akalain mo yun, sa ganda kong 'to. Leche!"gigil na gigil na paliwanag ko kay MJ.
Hanggang ngayon kasi ay sinasariwa ko pa rin ang nangyari kanina sa mall. Lecheng unggoy na 'yun, akala mo kung sinong makapanlait.
"Chill, Ella. Hahahaha grabe ka namang magalit."natatawang sabi sa akin ni MJ.
"Aba syempre. At isa pa di'ba kaibigan kita bakit parang ipinagtatanggol mo pa yung unggoy na 'yun. Siguro crush mo 'yun ano? Umamin ka na kasi alam ko namang berde ang dugo mo MJ!"pangungulit ko sa kanya.
"Tss... Alam mo lagi ka na lang ganyan. Ano bang hinihithit mo Ella? Matatanggap naman namin kung adik ka eh. Tutulungan ka pa nga namin eh pwede ka naming iparehab. Ano? Are you taking drugs?"seryosong pahayag ni MJ sa akin.
"Aba. Bakit napunta sa akin ang usapan? Di'ba ang pinag-uusapan natin ay ang kabaklaan mo at si Peter. Kamusta? Ano? Crush mo nga?"nakangiting tanong ko sa kanya habang kinikiliti siya.
"Ha? Ano bang pinagsasasabi mong babae ka? Alam mo ikaw lang talaga ang nagsasabing bakla ako! Ano nga ba?"turan niya sa akin kaya naman bahagya akong nanahimik. "Dapat ako ang magtanong eh. May spark ba kayo kanina nung Peter. AYieeee"pang-aasar pa sa akin nito ni MJ kaya naman biglaan ko siyang sinapak.
Nakita ko namang napangiwi siya sa sakit. 'Yan ang napapala ng mga matatabil ang bibig. Kawawang MJ, sa kanya ko pa tuloy naibuntong ang galit ko.
"Masakit?"nanunuyang pahayag ko.
"Tae ka. Kababaeng tao mo, ang lakas mong manapak."giit nito sa akin habang hawak-hawak ang bahagi ng pisngi niya na sinapak ko.
"Nakakaawa ka. Siya tumuloy ka muna sa bahay. Gagamutin ko 'yan. Ikaw kasi eh!"sabi ko sa kanya.
"Oy ikaw ha? May balak ka akin ano? Rerape-in mo ko no? Ayiieee. Alam ko namang matagal mo na akong p———"hindi niya na natapos ang kanyang sinasabi nang bigla kong itinaas ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...