Ella's POV
Akala ko talaga ay totoo ang aking panaginip. Tingin ko ay nangyari na ito dati kaso hindi ko lang maalala kung saan at kailan.
"Ella, nananaginip ka lang! Grabe ha? Akala ko naman may nangyayari na sa'yo kasi rinig na rinig ko ang sigaw mula dun sa kwarto ko. Yun pala nananaginip ka lang. Hays juice colored" reklamo ni ate Trixie na halatang nagambala ko sa pagtulog.
Tumingin ako sa relo ko at nakita kong saktong 3am, kinilabutan ako."Ate evil hour na huhuhuhuhu" sabi ko kay ate sabay yakap sa kanya at nakita kong napangiwi lang siya.
"Huy, Ella. Tigil-tigilan mo ako sa kaartehan mo ha? Beast mode na ako sa'yo kanina pa ha? Una, ipinahiya mo ako kay Peter tapos nanggising ka ng tulog at ngayon nag-iinarte ka dahil evil hour? Ewan ko sa'yo, bahala ka na dyan" singhal ni ate dahilan para mapatawa ako.
"Ikaw naman ate naglalambing lang ako sa'yo ngayon tapos sinusungitan mo pa ako. Sige ganyan ka na ah, dedmahan na pala. Sige good night!" bulong habang nakapout at kunwaring nalungkot.
"Ella? Kailan ka pa naging ganyan ka-feminine? Yuckkkkkk hindi bagay sa'yo, Ella. Mas sanay akong makitang mukha kang tibo kaysa sa ganyan. Pabebe ka eh" iritang sabi sa akin ni Ate kaya naman parang napaisip din ako nang malalim.
Bakit ko nga ba yun nagawa hahahaha. Okay natatawa na lang ako sa sarili ko. "Osige na, ate. Labas na baka lumabas na uli pagmasculine ko at grrrrrr..." sabi ko kay ate kaya napailing lang siya at lumabas na ng kwarto ko.
May pagkamasungit 'yan si Ate pero slight lang naman. Hayae niyo. Basher 'yan sa school namin pero hindi ko siya katulad na ako kinakatakutan dahil sa pagka-masculine ko at siya naman dahil maraming connection kaya hanga sila saming magkapatid.
"Hays makatulog na nga." nasabi ko na lamang at humiga na uli ako ngunit sa aking paghiga ay naalala ko tuloy ang napanaginipan ko. Nakaramdam ako ng takot kaya naman dali-dali kong isinarado ang pinto ng kwarto ko sa takot na mangyari ang nasa panaginip ko.
Nagtataka ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon? Kilala ko ang sarili ko, hindi ako basta-basta natatakot sa isang bagay o panaginip pero nang mapanaginipan ko iyon ay parang may bumagabag sa isip ko.
"Haysssssss! Ella'ng may pagkalalaki, magising ka nga! Ayaw ko nang ganitong feeling parang dati..."
May bigla ulit akong naisip... NUNG PAGKABATA KO NA AYAW KO NANG BALIKAN PA KAHIT KAILAN...
"Ella! Matulog ka na nga! Alam kong gising ka pa.. Maaga pa tayo bukas" sigaw sa akin ni ate dahil ayaw na ayaw niya na hintayin ako gusto niya pagkakatapos ay lakad na agad.
Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at sinubukan kong matulog hanggang sa nagdilim na ang lahat at nilamon na ako ng dilim.
____________________________________________________________________________________
"Hoy! Ella! Gising na aba! 6am na ha? Wag mo akong inisin! Iiwanan kita rito at bahala kang magpunta sa school. I will until 6:10am and kung hindi ka pa tumayo diyan ay di ka na namin hihintayin ni MJ" sigaw sa akin ni ate Trixie.
Gusto ko pang matulog, inaantok pa ako. Hindi ako nakatulog nang ayos kagabi dahil naalimpungatan ako at kung ano-ano pa ang pumasok at bumagabag sa isip ko.
Tinignan ko ang oras at nakita ko ngang 6am na kaya hindi ko na nagawang maligo. Hindi naman ako namamaho eh hahahaha. Nagpunas na lang ako dahil nagmamadali na talaga ako dahil maaga pa ang first subject namin. Mga 6: 30 ay start na ng first period kaya ayun.
Binasa-basa ko na lang ang buhok ko para kunwari ay naligo ako. Yohooooo!
Bumaba na ako at nakita ko sina MJ at ate. "Good morning hihihihi" bati ko sa kanilang dalawa habang nakapeace sign ako.
"Oh tara na!" sabi ni MJ na parang nainip sa paghihintay.
"Oy oy! Naligo ka ba?" tanong ni Ate sa akin kaya naman medyo napapatawa ako kaya pinipigil ko ang sarili ko na mapatawa.
"Aba syempre naman!" matipid kong sagot kay ate pero hindi ako makatingin sa kaniya sa mata.
"Eh bakit di ka matingin sa mata ko aber? Ha? Ha?" madiin nitong pag-uusisa nito.
"Mamaya ka na magtanong ate?! Mahuhuli na ako sa first period namin pwede ba ha?" sabi ko sa kanya sabay hila kay MJ palabas ng bahay namin. Totoo naman yung sinasabi ko at parang palusot na rin yun.
Nagmamadali na kaming makapunta sa school kaya nagsakay na kami at nakakainis lang dahil kung kailan nagmamadali ay tsaka pa traffic.
"Grabe naman 'yun! May estudyante daw na pinatay daw doon no? Napakahayop na talaga ng mga tao sa mundo. Pati mga estudyante ay pinagdedeskitahan pa. Tsk. Tsk." narinig kong bulungan ng mga ale sa unahan namin.
Nadala ako ng aking kuryosidad. "Ano daw pong pangalan nung estudyante?" singit ko sa kwentuhan nila.
"Vincee ba yun" yung isa naman ang nagsalita dahilan para magulat ako. This can't be.
"Malay niyo naman hindi si Vincee na taga-school natin?" pagpapagaan samin ng loob ni MJ.
Kinakabahan na talaga ako. Wag lang talagang si Vincee 'yun.
END OF GAME 7
BINABASA MO ANG
HIDE N KILL: The Killer's Game
Mystery / ThrillerLahat ng tao ay may tinatagong laro sa buhay. May kanya-kanyang style ng laro sa buhay. May sarili din tayong rules kung paano ito laruin. Ang laro ng salarin ay Hide and Kill. Paano kaya matutuklasan ng mga tao ang kanyang lihim at laro. Sa mundo n...