GAME 9

36 3 0
                                    


Ella's POV


Kinikilabutan na ako sa mga sinasabi ni Nicky kaya napagdesisyunan kong yayain ko na lang siya sa aming classroom para sa aming unang klase.


"Nicky, tara na! Baka mapagalitan tayo ng teacher natin kasi late na late na tayo!" pang-aaya ko sa kanya at agad naman siyang sumama sa akin. Kanina talaga ay para siyang nasasaniban ng masamang espiritu.


Nang marating na namin ang aming classroom ay nakita namin si Ms. Lily na nagkaklase. "Ang bilis niya naman!" bulong ko dahil kanina ay kinausap niya lang kami. Ang bilis niyang nakapunta rito.


"Ah ma'am excuse me po!" magalang kong sabi habang hawak hawak ko pa rin ang kamay ni Nicky. Tumango lang si Ms. Lily at umupo na kami ni Nicky sa upuan namin. Tuloy lang si Ms. Lily sa pagkaklase at guess what wala namang may interes sa sinasabi niya.


"You have pagkain dyan?" tanong sa akin Irish. "Kahit chocolate only, pampatanggal sleepy hihihi" maarteng sabi nito. Kahit ganan siya sa magsalita ay hindi masama ang ugali nan.


Inabot ko sa kanya ang baon kong chocolate na Take it at mabilis niya itong hinablot para hindi makita ni Ms. Lily.


Palihim lang siyang kumain ng chocolate, natatakot na mahuli ng terror naming teacher na si Ms. Lily. 


"Salamat pala ha?" nakangiting sabi nito. Napakaganda ni Irish kaso conyo. Parang ikinorte ang mukha, napakatangos ng ilong, perpektong labi at magandang mata. Natawa na lang ako nang mapansin ang kalat-kalat na chocolate sa ngipin niya. "Why?" tanong niya nang mahalatang natatawa ako.


Umiling lang ako pero ayun tawang-tawa talaga ako. 


KILLER'S POV


Ang dami ko palang mapaglalaruan. Gusto ko na sana silang patayin ngayon, ang mga kaklase ko pero kailangan kong sumunod sa plano namin.


Buti na lang talaga at may natagpuan akong kakampi na may katulad ko ring hangarin at goal. "Ahhhhhh anobayan! Nakakarindi naman ang bunganga nitong Lily na 'to! Ito kaya ang isunod ko!" bulong ko. Nasa bandang likod ako kaya wala namang nakakarinig sa akin.


Napansin kong tumingin sakin si Karlo, isa sa mga kaklase ko. Halata sa mukha niyang nagulat siya sa sinabi ko. "Narinig mo?" nakasmirk kong tanong sa kanya. Sinigurado kong mahina lang ang pagkakasabi ko  para walang makarinig sa akin.


Kahanay kasi ni Karlo ang 6sos, na binubuo nina Nard, MJ, Sam, Lemuel at Ella. 


Hindi na lang ako pinansin ni Karlo at nasusubsob na lang siya sa kanyang ginagawa pero hindi ako yung taong palampasin ang ginawa. Patay ka sakin!


"Okay class break muna for 1 hr and ready for next subject huh?" anunsyo ni Ms. Lily kaya nagsigawan na ang lahat.


Nakita kong nagmamadaling naglakad si Karlo palayo sa akin pero di ako nagpahalatang sinusundan ko siya. Nahalata niya na ako at tumakbo na siya papuntang rooftop ng isang building.


"Hey Karlo!" bati ko sa kanya nang parehas na kaming nakapunta sa rooftop.


"Please wag mo akong sasaktan. Hindi na ako mag-iingay o kaya magpapatransfer na lang ako ng school, wag mo na lang akong patayin please!" pagmamakaawa niya sa akin.


"Trip kong pumatay ngayon eh! Ayaw ko kasing sumabit ang plano eh kaya i have to do this!" sarcastic kong sabi sa kanya at inilabas ko na ang kutsilyo sa bag ko.


Nasindak si Karlo kaya napaatras siya sa akin. "Mapag-uusapan naman natin 'to eh!" natatakot niyang sabi niya habang nakataas ang kanyang mga kamay.


"Karlo, my decision is final. Wala ka nang ligtas dito no? Kung tumalon ka man dito, sa taas nitong building na ito ay tigok ka rin at siguradong kalat ang dugo at utak sa baba kaya tanggapin mo na ang kamatayan mo hahahahahaha!" nanakot na sabi ko sa kanya dahilan para mapaiyak siya.


Di ko inasahan ang sumunod na pangyayari at bigla niya na lamang akong sinugod at tinangkang agawin ang kutsilyo sa akin. "Ahhhh.. tanga ka!" sabi ko sa kanya sabay sipa sa kanya sa tiyan. "Akala mo malulusutan mo ako." naiinis kong sabi at tsaka ko sinaksak ko ang tiyan niya ng tatlong beses.


"Ahhhhhh!" sigaw niya at tsaka lumabas sa bibig niya ang napakaraming dugo. Nilapitan ko siya at ipinasok ko ang kamay ko sa sugat niya. Hinila ko ang bituka sa tiyan niya at tsaka isinubo sa bibig niya.


Iniluluwa niya ito kaya sinampiga ko siya nang malakas sa mukha kaya naman napabagsak na lamang siya sa kahinaan. "H-h..ayup k-kaa!" nauutal niyang sabi at tinadyakan ko ang mukha niya nang maraming beses dahilan para pumutok ang mukha niya.


Lumuhod ako at kinuwelyuhan ko siya. "Yan ang napapala ng mga pakialamero. Alam hindi ka naman dapat kasali sa mga papatayin ko kung hindi ka lang nakialam. Matuto ka sana!" bulong ko sa kanya ngunit dinuraan niya lang ako.


Nainis ako dahil magkakaroon tuloy ng ebidensya na ako ang pumatay sa kanya dahil ang ipinandura niya sa akin ay may dugo.


Hinubad ko ang polo ko at isinilid sa bag ko kasama ng kutsilyo. Pinunasan ko na rin ang aking kamay.


Hinila ko si Karlo malapit sa pinakadulo ng building. "Ilalaglag kita dyan. Nakikita mo ha?" bulong ko sa kanya. "Harapin mo na ang kamatayan mo!" dagdag ko pa at binitawan ko na siya. Sinilip ko ang kalagayan ni Karlo at nakita kong tumuhog siya sa pole ng flag dahil sa lakas ng impact. 


Narinig ko ang sigawan ng mga schoolmate ko. Nakakatuwa!


Dali-dali naman akong umalis rito sa building at dumaan sa shortcut. Pumunta ako sa shower area. Hinubad ko ang damit ko at tsaka binuksan ang shower. Ang sarap, ang sarap ng mainit na tubig. Tinanggal ko ang dugo sa kamay. Wala akong dalang towel kaya tinuyo ko muna ang katawan ko bago lumabas. Wala akong saplot nang lumabas sa cubicle.


Mga ilang minuto ang lumipas at isinuot ko na ang damit ko. Sinugurado kong wala akong naiwang ebidensya para hindi ako mahuli.


END OF GAME 9

Boom! Kawawang Karlo :(



HIDE N KILL: The Killer's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon