GAME 8: Oblivion

32 3 0
                                    


ELLA'S POINT OF VIEW


Hindi ako makapakali habang nasa jeepney kami hanggang sa makababa na kami sa school namin. Pagpasok pa lamang namin sa gate at nakita ko na ang napakaraming estudyante na nagchichismisan.


"Bakit kaya si Vincee pa? I'm mercy his nanay at tatay. " maarteng sabi ni Irish habang kakwentuhan sina LJ at Andy. Nilapitan sila ni Ate Trixie para tanungin sa nangyari.


"Anong nangyari kay Vincee?" naiiyak na tanong ni ate sa kaibigang si Irish. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.


"Natagpuan siyang dead malapit dun sa house niyo. And then the mga pulis don't know who killed Vincee. Me so natatakot nga rin eh" conyong sagot ni Irish. Gumuho na ang lahat sa akin, para akong binuhusan ng malamig na tubig.


Tumingin ako likod ko at nakita ko pa rin ang mga grupo ng mga estudyante na nag-uusap usap. Natanaw ko sina Nard, Lemuel at Sam na papalapit sa direksyon namin ni MJ.


"Naaaaaaaaaaaard" napasigaw na lang ako sa kanya.


"Ella! Ate Trixie! Gusto kayong makausap ni Ms. Lily. Kayo daw kasi ang huling pinuntahang bahay nina Vincee." bungad sa amin ni Nard na halatang gulantang rin sa nangyari.


"Sasama kami!" sigaw nina Andy at Kevin.


"Ako rin syempre!" habol ni LJ.


"So pumunta na tayong lahat sa office." suhestyon ni Nard at lahat kami ay sumang-ayon bukod lang kay Irish.


"Hindi na ako sasama diyan! Wala naman akong kinalaman diyan. Baka madamay pa ako sa gulo niyo ha?" natatakot niyang sabi kaya ayun hindi na naging conyo magsalita. Naglakad na siya palayo sa amin.


Naglakad na ang mga kasama ko ngunit sinundan ko ng tingin si Irish at natanaw ko si Angel na nakamasid lang sa amin. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya.


"Ellaaaaa tara na!" tawag sa akin ni Sam kaya naman sumunod na ako sa kanya.


Nang makapunta na kami sa principal's office at nakita namin na may pulis roon.


"ANONG NANGYAYARI?" napatanong na lang ako sa sarili ko. Sinisisi ba nila kami sa pagkamatay ni Vincee.


"Ikaw ba si Trixie?" tanong nung pulis sa ate ko at agad namang sumagot si ate dito sa pulis. "Ako nga pala si Detective Kyle" pagpapakilala niya sa aming lahat at ipinakita niya sa amin ang ID niya.


Mukhang bata pa si Detective Kyle at mukhang inosente ang mukha. Kung tatanyahin, siguro ay nasa edad 25 lang siya. Ang bata niya namang detective. Yung iba naman niyang kasamang pulis, nakakatakot ang mga hitsura. Para bang kakainin kami ng mga hayop na 'to.


"Ano na po bang nangyari?" tanging naitanong na lamang ni ate Trixie. Halata sa tono ng panananilata niya ang panlalambot.

HIDE N KILL: The Killer's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon