Chapter 2

6 6 0
                                    

𝗡𝗔𝗨𝗡𝗔 akong maglakad sa kanilang tatlo palapit sa pintong pinasukan nung babae. Nang makalapit na kami ay kaagad kong pinihit yung siradura ng pinto pero nadismaya lang ako ng mapagtantong lock iyon.

"Tara na.. uwi na tayo sirado ohh, saka nakakatot Zeke.." nilingon ko si Jin na namumutla na sa takot "Gawin nalang kaya natin to bukas, madilim na sa labas ohh" he suggested.

"Nandito na tayo Jin, kaya ituloy na natin 'to. Nandito naman kami, wag mong pairalin yang takot na nararamdaman mo kasi yan mismo ang magdadala sayo sa kapahamakan, naiintindihan mo ba?" Sabat ni Shawn.

"Pero--" i cut him off.

"He's right, kailangan mong labanan yang takot mo. Tsaka, hindi ka naman namin iiwan ehh.. diba?" i look to Chris and Shawn na sabay'ng tumango.

"Okay..." tinapik ko yung balikat niya.

"Now, we have to figure out how to open that door" Saka 'ko luminga-linga sa paligid.

"Maybe, this can help?" napatingin ako kay Jin ng ipakita niya yung batong hawak niya.

"Akin na.." Kaagad namang ipinukpok ni Shawn yung batong hawak niya sa siradura ng pinto at bumukas nga iyon, naka pad-lock kasi yung pinto kaya madali lang buksan.

Kaagad na binuksan ni Chris yung pinto at tumambad saamin ang tahimik at madilim na silid. Sabay kaming napa-atras ng bigla nalang bumukas sarado yung mga ilaw sa hallway nitong floor. Tahimik naming pinakiramdaman ang paligid, at ramdam ko ang pananayo ng mga balahibo sa batok ko.

"Zeke, nakakatakot na," hindi namin pinansin si Jin.

"We're not alone," I look at Chris direction, tiim bagang siyang nakatitig sa mismong board nitong room.

"Uyy Chris may nakikita kabang hindi namin nakikita?" Jin suddenly asked, pero hindi siya sinagot ni Chris.

Sinundan ko naman yung tingin niya. And there, I saw the girl that was been staring into our direction blankly. Pero ang mas ikinagulat ko hindi siya nag-iisa, may kasama siyang babae na pamilyar na pamilyar saakin.

Nilingon ko si Chris na ngayon ay gulat na nakatingin saakin. Alam ko kung anong nasa isip niya, alam kong kilala niya din yung babaeng kasama nung babaeng nakita ko kaninang nanonood saamin habang nag-aaral kami!

"This can't be.... why is she here?" Gulat na sabi ni Chris.

"Sinong ibig mong sabihin Chris?" tanong naman ni Shawn na halatang naguguluhan.

"Sinong nakita niyo?" segunda naman ni Jin na hindi na mapakali

Pero nanatiling tahimik si Chris. Muli kong ibinalik yung tingin ko sa kanila at nasaksihan ko ang paglaho at biglang pag-sara ng ilaw sa loob ng silid pati na ang pag-kalma ng ilaw sa hallway...

"SIGURADO kayo sa nakita ninyo!?" gulat na sabi ni Kuya Chreion, ang kakambal ni kuya Chleavon.

10 years ang tanda nila saamin, namatay si kuya Chleavon 5 years ago and after a month nabalitaan nalang din naming namatay na si Alkira sa mismong silid na iyon. And base sa findings ng mga pulis, ginahasa siya bago pinatay. Ganon din ang nangyari kay Ashara, si kuya Chreoin ang nagsabi saamin. 5 taon na din simula nung mamatay ang kapatid ni Alkira, but until now wala paring nakaka-alam kung sino at ano ang motibo sa pagpatay sa kanila. Hangga't wala pang nakaka-alam sa tunay na nangyari sa kanila, their death will remain mystery.

"Sigurado kami Kuya! si Alkira yung nakita namin! hindi kami pwedeng magkamali!" Sagot ni Chris.

"Kung si Alkira nga yun? Bakit naman siya magpapakita saatin? at Ashara? magkakilala ba sila?" Tanong naman ni Shawn.

Unsolved CaseWhere stories live. Discover now