Chapter 5

0 0 0
                                    

THIRD PERSON POV

KASALUKUYANG naglalakad ngayon si Jin sa labas ng bahay niya, he has the evidence na makakapagturo kay Chreion sa kaso. Mabilis siyang tumatakbo ngayon dahil hinahabol siya ng kasama nito.

Pero sa kasamaang palad nahabol siya ni Brynn, pero bago pa mahuli ang lahat, inihulog niya yung telepono niya sa bermuda grass, Kasabay ng pagdadasal na sana makita nina Chris ang cellphone niya.

"Hayop ka Kuya! Paano mo to nagagawa? Ha? tatlong tao na ang pinatay mo-- ninyo! Ganito ka ka-demonyo? kahit sarili mong kapatid pinatay mo kuya! Mas masahol ka pa sa hayop!" Jin exclaimed, habang patuloy na iniida ang hapdi sa labi niya. Kanina nung nahuli siya nina Chreion at Brynn dalawang beses siyang sinuntok ng mga ito.

"Blah... blah... blah... Ang dami mong sinasabi! naririndi na ako sayo!" Chreion exclaimed as he pointed the gun at Jin .

"Masyado ka kasing pakealamero, gustong gusto mo na talagang magpasundo kay San Pedro at sumunod kina Ashara ha? HAHA."

"Papatayin mo din ako? Tsk! hindi ako natatakot! Baliw ka kuya! Nababaliw kana!" Malakas na sigaw ni Jin.

"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung ano yung mga pinagdaanan ko, walang makaka-intindi saakin, walang nakaka-alam sa mga nangyayari saakin! Wala!" Nagsitulo ang mga luha sa mata niya.

Hindi naman ito naintindihan ni Jin dahil sa totoo lang, gulong-gulo na din yung isip niya. Napapatanong din siya kung bakit nangyayari to kay Chreion? Bakit nga ba ito nagkaka-gan'to? Malayong malayo ito sa Chreion na nakilala niya dati, kahit naman siya hindi din makapaniwalang magagawa nitong pumatay ehh. Hindi niya din alam kung paanong napatay nito ang kakambal nito na sa pagkaka-alam niya'y sobrang close ng dalawa.

Napalingon naman siya sa kaibigan nitong nanonood lang sa kanila, siguro kaya ito nagagawa ni Chreion ng dahil sa may demonyong nakaaligid sa kanya. At walang iba kundi ang Brynn na ito.

"Kuya, hindi pa huli ang lahat. May chance ka pa para itama ang mga pagkakamali mo, everyone deserves a second chance, at deserve mo yun kuya. Kung susuko ka sa mga pulis, at pagsisisihan mo yung mga nagawa mo, mapapatawad ka ni Chris ni tita Ivanna--" naputol yung pagsasalita ni Jin ng biglang magsalita si Brynn.

"Don't listen to him Chrei! ginagago kalang ng batang yan! Pinupuntirya niya yung kahinaan mo! His just lying, gusto niyang magdusa ka sa kulungan! So if I were you, you better proceed to our plan, at yun ay ang patayin lahat ng mga sagabal, kasama na ang lalaking yan!"

Ngayon alam na niya kung bakit ito nagkakaganto. Ng dahil ito sa kaibigan nitong masamang impluwensiya, may matino bang kaibigan na kukunsitihin ang mga maling ginagawa ng kaibigan niya? And this Brynn is definitely not a true friend!

"Kuya... kung papatayin mo man ako, hindi ako magagalit sayo. I will forgive you... But please I hope this is the last time na papatay ka o mananakit ka ng kapwa mo. I know that your heart is full of anger, pero sana matuto kang magpatawad. At alam kong hindi ikaw to kuya, kasi kilala ko ang totoong Kuya Chreion namin, yung kuyang mabait, nagpapakumbaba, I'm still hoping na babalik ka sa dati kuya." Jin smiled at him.

Ngayon gulong gulo na din yung isip ni Chreion, hindi niya alam kung sino yung paniniwalaan niya!

"Don't listen to him Chrei! Ano ba!" Malakas na sigaw ni Brynn.

"Stop it! tumahimik ka na Jin! kahit kailan hindi na babalik ang Chreion na itinuring mong kapatid! Let's go Brynn, iwan mo na yan diyan, may mas importante pa tayong gagawin." Sinulyapan siya nito saglit saka tuluyan na ngang umalis ang mga ito.

Sa huli naiwan siyang duguan, pero umaasa parin siya na sana matauhan na si Chreion sa mga ginagawa nito. Tatlong tao na ang namatay ng dahil sa paghihiganti nitong wala namang patutunguhan. Dahil sa pag-ibig nitong napaka-makasarili. Napapikit nalang siya saka nagmulat ng mga mata.

Unsolved CaseWhere stories live. Discover now