THIRD PERSON POV
MARIING pinagmamasdan ni Senpai ang lalaking ngayon ay mahimbing na natutulog sa bakanteng kwarto ng bahay nila. She stared at his perfect shape of jaw, to his long pointy nose pati na din ang mga pilik mata nitong sakto lang ang haba at kurba. Dumapo naman ang paningin niya sa mga labi nitong natural na mapula, she can't help but to press it.
'Ang lambot ng labi niya...' sa loob loob ni Senpai.
Dumapo ang paningin niya sa gilid ng labi nito na ngayon ay may pasa. She wonder where did he get those wounds.
Natigil siya sa pagtitig dito ng bigla na lamang bumukas ang pinto, her kuya Sean entered the room. "Kakain na..." sambit nito. She slowy nod at him. "Susunod ako kuya." Sagot niya naman.
"Don't tell me crush mo na yan?" Pang-aasar nito sa kanya "Hindi ah..." She blushed.
Iniwas niya ang paningin niya dito at muling tinitigan ang gwapong mukha ng estranghero.
"Bahala ka jan. Kakain na ako, pagnagising 'yan ikaw na ang bahala sa kanya." Nilingon niya ang kapatid saka bahagyang ngumiti. "Opo kuya." Her kuya nod then left the room.
She sigh, hindi niya alam kung anong nangyari dito. Kagabi ng pagbuksan niya ito sa gate ay kaagad itong nawalan ng malay, bumagsak ito sa kanya at pareho silang nabuwal sa lupa. Sa itsura nito kagabi ay takot na takot ito, marami rin itong pasa sa mukha, at dumudugo pa ang tuhod nito. Ang mga kamay naman nito'y may bakas ng tali, kaya naisip niyang baka itinali ito. At sino naman kaya ang gagawa niyon? Hindi niya alam!
Then suddenly a flashed back appeared. Tila ba bumalik siya sa nakaraan, sa nakaraang kahit kailan ay hindi niya makakalimutan, nakaraan na halos sumira sa buhay niya. Gabi gabi siyang binabangungot ng kanyang konsensya, and she just woke up cryin' in fear. Lalo na't hindi mawala-wala sa sistema niya ang mukha ng lalaking pinatay, noong nag-aaral pa siya sa lungsod. Ng araw na iyon, muntik na din siyang mapatay nito. It's been 5 years since that incident happen, pero hanggang ngayon ay dala-dala niya parin ang takot.
Hindi na din niya alam kung ano na ang nangyari sa killer na iyon, pagkatapos kasi ng araw na iyon ay hindi na siya bumalik pa sa paaralang iyon. She choose to leave and shut her mouth, kaya naman araw araw siyang ginagambala ng konsensiya niya. Gabi gabi niyang naririnig ang nagsusumamong tinig ng lalaking iyon, nagmamakaawa na tulungan niya.
She tightly closed her eyes, and a sudden burst of tears flowed non-stop. Tumayo siya at lumabas ng silid, dumiretso sa sala nila at umupo doon. Tahimik na umiyak siya, hanggang ngayon kasi ay sinisisi parin niya ang sarili dahil sa hindi niya natulungan ang lalaking 'yon. Ng kumalma'y huminga siya ng malalim saka pinunasan ang mukha niyang basang basa dahil sa mga luha niya. Tumayo siya at pumasok sa loob ng kusina na parang walang nangyari. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ng kuya niya at kumuha ng pagkain.
"Akala ko hindi kana lalabas doon at magdamagan mong tititigan ang lalaking iyon." Nang-aasar na sabi nito sa kanya. Inirapan niya ang kapatid at hindi na sumagot pa. "Teka... umiyak ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Kinagat niya ang ibabang labi bago sumagot. "Wala lang po 'to kuya... wag niyo na pong pansinin." Ipinagpatuloy niya ang pagsandok ng pagkain. Hindi na din muling nagsalita ang kuya Sean niya. Alam na din naman nitong ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa nakaraan.
Tahimik lang silang kumakain ng biglang may pumasok sa loob ng kusina. Sabay silang napalingon sa direksyon na iyon. "Nasaan ako?" Ani ng estrangherong ngayon ay kakagising palamang."Umupo ka muna." Kaswal na sabi ng kuya niya. She lowered her gaze and stared at her food intently. Sumunod naman ito sa sinabi ng kuya niya. "You should eat to gain your strength back." Dagdag nito.
YOU ARE READING
Unsolved Case
Mystery / ThrillerIsa lamang silang ordinaryong estudyante sa State Vernon University. Ngunit nagbago iyon ng ma-encounter nila ang kaluluwa na sa hula nila'y si Alkira Soledad Guevarra. Alkira was seeking justice together with her sister Ashara Solene Del Fuerro. W...