"𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗚𝗜𝗡𝗜𝗣𝗔𝗡 mo siya Zeke?!" Gulat ang ekspresyon ni Shawn.
Nandito kami ngayon sa kabilang building nitong school sa rooftop mismo, at naikwento ko nga sa kanila yung panaginip ko.
"Hindi ko alam kung bakit ako nanaginip ng ganon, pero para kasing ipinahihiwatig ng panaginip ko na parang may pagnanasa kay Ashara yung taong yun at siguro obsessed ang lalaking yun kay Alkira. And as I remember, gusto niyang agawin si Alkira kay Kuya Chleavon" mahabang salaysay ko.
"So... pwede ring may kinalaman ang lalaking ito sa pagkamatay ni Ashara? at Kuya Chleavon?"
"Maybe Jin, pwedeng meron. Kasi parang magkakasunod yung pagkamatay nila ehh. Remember? When Ashara died? ilang weeks no'n sumunod naman si kuya Chleavon, and after a month, natagpuang patay si Alkira sa mismong spot kung saan namatay ang kapatid niya. And now we have to think, kung sino ang maaring killer" Isa-isa ko silang sinulyapan.
"Then that's the question, who's the suspect then?" Nag-iisip na sabi ni Shawn.
"Everyone is a suspect Shawn. Pwedeng ako, pwedeng ikaw" Seryosong sabi ni Chris.
"So...mga detective na ba tayo ngayon?" natatawang sabi ni Jin na umiiling-iling pa.
"Tumahimik ka nga dyan, ang seryoso na namin ehh nagagawa mo pang mag-biro" Shawn exclaimed, pero hindi na namin sila pinansin.
"So... what are we going to do Zeke?"
"I'm still thinking Chris, but for now we have to find evidence na makakapag-turo sa killer" Seryosong sabi ko.
"Magbabayad siya sa ginawa niya, and we will make sure na habambuhay siyang mabubulok sa kulungan!" Naikuyom pa ni Chris ang kamao niya habang sinasabi niya iyon.
"WHAT are we gonna do now Brynn? Hindi ako pwedeng makulong! Nag-iimbistiga na sila! I'm afraid they might found out that I'm the killer!"
"You should calm down!"
"How can I calm down?! what If malaman nila yung sekreto ko? what If ipakulong nila ako? what If--"
"Shut It Chrei! walang mangyayari kung magpapadala ka sa emosyon mo! maayos kong nailigpit yung mga kalat mo, walang malalaman ang mga batang iyon. Magtiwala ka lang, hindi ang gaya nila ang makakahuli saatin. So calm down, ako ng bahala sa lahat."
"Just make It sure Brynn, make It sure!"
"I always got your back, after all nakinabang din naman ako sa dalawang iyon (evil smile)"
"Pero di parin tayo dapat makapante, matatalino sila."
"I know, just give me time to think a plan. I got it."
CHRIS POV
"KUYA? Sinong kausap mo sa telepono?" nagtatakang tanong ko habang nakatitig sa kanya. This past few days, he act so weird!
"That's none of your business Chris, kaya wag ka ng magtanong!" Mas lalo lang kumunot yung noo ko.
"Are you hiding something kuya?" di ko mapigilang bulalas.
"I said shut It!" he exclaimed na ikinagulat ko.
"Chreion? Chris? nag-aaway ba kayo?" sabay kaming napalingon kay mommy ng tawagin niya yung mga pangalan namin.
"No mom" Nakangiting sabi ko .
"Narinig kong sumigaw ka Chreion, anong problema?" she asked again.
"No mom, naiirita lang ako jan sa anak mo. Anyways i gotta go, i-memeet up ko pa yung kaibigan ko" Sinamaan niya ako ng tingin saka lumapit kay mommy at hinalikan ito sa pisngi. Nung makaalis na siya ay tiningnan ko si mommy, and i smiled at her.
"I miss your kuya Chleavon" wala sa sariling sabi niya .
"I miss him too mom" i went closer to her and hug her. Alam kong miss na miss na niya si kuya, walang araw na hindi ko naririnig yung pag-iyak niya sa kwarto anytime na pumapasok sa trabaho si daddy.
"Until now... hindi parin nabibigyan ng hustisiya ang pagkamatay niya" she cried in my shoulder.
"Don't worry mom, tutulong ako sa pag-iimbistiga, mapapakulong din natin ang gumawa nun kay kuya. I promise" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka siya nginitian.
"Thankyou anak, pero mag-iingat ka ha?"
"I always will mom" i hug her again
EZEKIEL POV
BUMALIK ako dito sa abandonadong building dito sa 4th floor hoping na may makikita akong leads. Mag-isa lang ako, maagang umuwi si Chris, si Jin absent, at si Shawn naman may klase pa kaya mag-isa ako ngayon.
Mahina lang yung bawat hakbang ko, habang iginagala yung paningin ko sa kabuu-an nitong hallway. Pero napatigil ako ng may nakita akong lalaking nakatalikod at may kausap sa telepono
"I told you, walang naiwang ebidensiya. Nalinis ko na lahat....... Nah.. don't worry, maayos akong mag-trabaho. You got it bud, yeah yeah i'll see you there. (chuckled)" Maingat akong umatras at hindi sinasadyang may naapakan akong plastic na nagsanhi ng ingay. Mabilis akong tumalikod at tumakbo.
"Hoy!! bumalik ka dito!" sigaw nito pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa lugar na iyon, at sana lang hindi niya nakita yung mukha ko.
YOU ARE READING
Unsolved Case
Mystery / ThrillerIsa lamang silang ordinaryong estudyante sa State Vernon University. Ngunit nagbago iyon ng ma-encounter nila ang kaluluwa na sa hula nila'y si Alkira Soledad Guevarra. Alkira was seeking justice together with her sister Ashara Solene Del Fuerro. W...