SHAWN POV
KAKALABAS ko lang galing sa room ko and i was texting Zeke naka tatlong missed call na din ako sa kanya pero hindi sinasagot ng kumag!
"Ano kayang nangyari dun?" luminga-linga ako sa paligid "Hystt... i told him to wait here, umuwi na kaya yun?" Bumuntong hininga ako saka akmang maglalakad na papunta sa loob ng kotse na kaharap ko lang ng biglang may bumangga saakin.
"F*uck?!" naibulalas ko, lumingon naman yung lalaking nakabangga saakin, "Zeke?! Anyare sayo?" Takang tanong ko pero hinila niya lang ako papasok sa loob ng kotse ko.
Ng makapasok kami saka lang siya nagsalita.
"I'll explain later, but for now.... Just drive!" i have no choice but to follow him.
ZEKE POV
"ANO ba kasing nangyari? Bakit ka tumatakbo kanina?" Nilingon ko si Shawn na ngayon ay nagmamaneho.
"Someone was after me, I don't know kung nakita niya yung mukha ko. But i know may kinalaman ang lalaking yun sa pagkamatay ni Ashara." Gulat niya naman akong nilingon.
"How did you know?" He asked.
"Kanina, nung sinabi mong maghihintay ako sayo dun sa kotse mo.... pumunta ako sa abandunadong building, sa 4th floor to find something..." I stopped.
"So.... may nakita kaba?" I shook my head.
"I didn't see anything, but I heared something. Yung lalaking hinahabol ako, I heared him talking to his phone, at sinasabi niya dun sa kausap niya sa telepono na wala tayong makikitang ebidensiya na makakapag-lead sa taong pumatay kay Ashara, dahil maayos na niyang nailigpit ang mga kalat na iyon!" Automatic na napreno ni Shawn ang kotse niya.
"What?!" Gulat na sabi niya.
"For now, kailangan ko pang kilalanin ang lalaking iyon." Muli niyang pina-andar yung kotse niya.
"May nakita ka bang palatandaan niya?"
"Yes... that guy has a scorpion tatoo on his nape na kulay itim" I smirk.
Hindi magtatagal makikilala ko rin ang lalaking yun!
CHRIS POV
"ANONG nangyari sa inyo?" Nakakunot yung noo ko habang tinatanong sila.
They just went here bringing their shock faces na hindi ko alam kung bakit ganon yung mga mukha nila.
"We just found out something Chris" Kaagad na sabi ni Shawn.
"And what is it?" I asked.
"Zeke, ikaw na magsabi" napatingin naman ako kay Zeke.
"May isa na akong possibleng suspek sa pagkamatay nina Ashara" Seryosong sabi niya.
"And who? nakita mo yung mukha niya? bakit pinatakas niyo pa?" Sunod sunod na tanong ko.
"I didn't saw his face, pero may palatandaan ako sa kanya. And hindi pa natin siya pwedeng ipadakip sa pulis, hindi pa tayo sigurado kung siya ba ba talaga ang suspek. For now, maghahanap muna tayo ng ebidensya na makakapag-turo sa lalaking iyon. As I heard, hindi siya nag-iisa." Mahabang salaysay ni Zeke na tinanguan ko lang.
"But we should be careful, baka hindi natin alam nasa paligid lang yung suspek. At baka kilala lang natin ito." Sabay kaming napatingin sa nagsalita, at hindi namin inaasahang si Jin iyon.
"Jin?" Gulat na sabi ni Shawn.
"What do you mean?" Takang tanong ni Zeke sa kanya
"I heared your kuya earlier Chris, may kausap siya na hindi ko makita-kita yung mukha. Hindi ako sigurado kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni na Ashara, pero malakas ang kutob ko na meron" Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"Jin, are you sure about that? saan mo siya narinig?"
"Dati pa man may pagdududa na ako sa kuya mo, pero hindi ko lang sinasabi sa inyo kasi baka hindi totoo yung mga kutob ko pero earlier, maybe I wasn't wrong about my feelings." Umupo siya sa kaharap na upuan.
Ito yung unang pagkakataon na nagseryoso ang isang to.
"Anong nalaman mo?" Tanong naman ni Shawn sa kanya.
"Kanina di sinasadyang nakita ko siya, I followed him at nakipagkita siya sa isang lalaking naka facemask at naka shades. I followed them and listen what they talking about. At pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagkamatay nina Ashara." Tumalim yung titig niya saakin.
"I don't think magagawa ng kuya ko yang mga sinasabi mo Jin." Hindi talaga ako kumbinsido.
"It's up to you kung maniniwala ka saakin o hindi. But I'll find evidence na makakapagturo sa kuya mo Chris, I'll prove that I'm right at hindi gawa gawa lang itong mga sinasabi ko."
Tumayo siya pagkatapos niyang sabihin 'yon. His about to leave my room when suddenly Zeke called him.
"Teka lang Jin." Lumingon naman si Jin sa kanya.
"Ano yun Zeke?" He asked.
"Mag-ingat ka, hindi natin kilala yung kalaban natin." He just nodd.
"Yeah, I will." He turned his gaze to me and smile saka siya tumalikod at tuluyan na ngang lumabas
"Do you think magagawa ni kuya yun?" I asked them.
"Hindi ko din alam Chris, pero imposible din namang magsinungaling si Jin saatin. Sa tingin mo mag-bibiro siya ng ganito?" Shawn said that made me shook my head.
"Kung totoo man na may kinalaman ang kuya mo dito Chris, He should pay for what he did. I have to go" sabi ni Zeke saka tinapik ang balikat ko.
"Uuwi na din ako Chris, ingat ka." Segunda naman ni Shawn na tinanguan ko lang.
Isang minuto na silang naka-alis pero heto parin ako't hindi mapalagay. Jin is a funny guy, minsan lang siya nagseseryoso, What if nga totoo yung sinasabi niya? What if may kinalaman nga si Kuya sa kasong ito? What if siya nga yung killer? Ang daming katanungan na naglalaro sa isip ko na wala pang kasagutan. Pero kung may kinalaman nga si Kuya, then he should be in jailed!
3ʳᵈ PERSON POV
"WHERE have you been Brynn!" Malakas na sigaw niya sa kaibigan niya.
30 Minutes kasi itong nalate.
"D*mn!" malutong na mura ni Brynn sa kanya.
"I'm asking you mor*n! Where have you been?" Pigil yung galit niya.
"Nanggaling ako sa eskwelahan kasi yun yung sabi mo, at remember? you called me, hindi ko napansing may nakikinig pala saakin." Nasuntok niya yung pader sa sobrang galit.
"F*ck it! just-- d*mn! you're so careless! ano na?! nakita ba niya yung mukha mo?" Umiling naman si Brynn.
"Hindi ko alam, he just run away at hindi ko na siya nahabol."
"So ano?! ha? paano kung nakita ng lalaking yun yang mukha mo? paano Brynn! paano kung mahuli tayo!" nikuyom niya yung kamao niya ng dahil sa fraustration.
"Chrei, wag na tayong magsisihan. we just need to proceed our plan, or better patayin nalang natin ang lahat ng sagabal. What do you think?" Mala demonyong sabi ni Brynn na tinanguan lang ni Chreion.
"Sinong una?" Seryoso ang boses ni Chreion.
"I got it bud" An evil smirk escaped from Brynn's lips.
YOU ARE READING
Unsolved Case
Mystery / ThrillerIsa lamang silang ordinaryong estudyante sa State Vernon University. Ngunit nagbago iyon ng ma-encounter nila ang kaluluwa na sa hula nila'y si Alkira Soledad Guevarra. Alkira was seeking justice together with her sister Ashara Solene Del Fuerro. W...