Ako si Coleen Reyes , matalino , simpleng babae , sporty , maganda at mabait .
Lahat na lang iniiwan ako , lahat sila niloloko ako . Nakakasawa na ngang magmahal e kase sa bawat pagmamahal na yun may sakit na kapalit .
Gusto niyo bang malaman kung bakit ako ganito ? Gusto niyo bang malaman ang tunay na kwento kung bakit ayoko nang masaktan pa ? Sige Kikwento ko.
-
-Si Markos Briones , ang lalaking gustong gusto ko dahil sa nakaka-attract niyang ngiti at sa maamo niyang mukha .
Nagkakilala kami ni Markos nung nanuod ako ng basketball sa court dito sa subdivision namin . Then, hinihingi niya yung number ko sa kaibigan ko and nagkakatext kami .
Madaling nahulog yung loob ko sa kanya dahil sa mga sweet messages niya , nanligaw sya sakin at pinayagan ko naman .
Almost 8 months siyang nanligaw sakin . December ng babalakin kong sagutin siya . Tinext ko na "Oo na tayo na " pero ang sabi niya , " Di pa ako READY " .
Nakakagag* diba ? Parang ang lumalabas ako yung nanligaw .
Kinabukasan tiningnan ko yung facebook account and nakita ko In Relationship na ang gag* sa ex niya.Masakit sakin yun syempre Babae ako . Sinubukan ko siyang kalimutan halos 1 taong hindi ko siya pinapansin .
Nagkaroon ng Youth Organization sa Subdivision namin at pinilit ako ni mama na sumali kaya niyaya ko din yung bestfriend ko na si Inah .
Literal akong napanganga dahil kasali rin pala siya sa Youth Organization , tsaka ko lang naalala na yung tito niya ay Presidente ng Subdivision namin .
December din yun and ang dami naming ginagawa para makagawa ng Parol . May Parol Contest kaseng sinalihan yung subdivision namin kaya todo gawa kami and sa gabi nangangaroling kmi para sa fund ng Organization .
One day , naglalakad kmi nang biglang tumabi sakin si Markos . Nagulat ako syempre ang awkward e .Gusto niyang makipagbato bato pick , kaya nakipaglaro na lang ako . Ito na naman yung puso kong mabilis mahulog lalo na kay Markos.
Bumalik lahat ng feelings ko sa kaniya . Pero hindi ko inisip yung nangyare sakin , hinayaan ko na lang yung puso kong umibig ulit sa kaniya .
Hanggang sa street namin naglalaro pa din kami . Para lang kaming tangang naglalaro habang yung mga ka-members namin nakatingin samin .
Nakauwi na ko sa bahay ng tinext niya ko , hanggang ngayon pala naka-save pa din yung number ko.
Nagkamustahan lang kami that day . Di ko nga alam kung bakit napagtripan niya kong tinext.
Halos araw araw magkasama kami dahil nga sa Organization namin.
One day, yung ka-member namin na si JP , may hilim palang may gusto sakin . Oh diba haba ng hair ko ! Sakin na ang korona ! Pak .
Tinext niya ko na gusto daw niya ako kaya kung papayag daw ako na ligawan niya ako .
Sinabi ko sa kanya na hindi siya para sakin kase yung totoong mahal ko ay si Markos .
Nagtaka ako sa sinabi niya na good luck daw kay Markos , nandito lang ako maghihintay sayo .
May ganito pa palang lalaki sa mundo. What a Miracle ? Mapapa-hays at Mapapa-cramping ka na lang e pero di ko nga siya gusto , wala tayong magagawa . Si Markos ang mahal ko kaya , Go for it.
I hope na hindi kayo boring sa story ko , pasensya na . Alam ko ang bilis ng kwento pero magiging exciting yung susunod pang mga chapter
-Author's note -
BINABASA MO ANG
Ayoko nang masaktan pa .
DiversosLaging tanong sa aking sarili " PANO BA ANG MAGMAHAL NG HINDI NASASAKTAN?" bes kung ayaw mong masaktan hindi ka nagmahal ! Kase ang tunay na nagmamahal nasasaktan at kung talagang mahal mo hinding hindi mo susukuan ! Matuto kang tanggapin ang isat...