Chapter 2 : Sweetness beyBi

16 0 0
                                    

Coleen's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko  wala akong magawa . Iniisip ko pa din si Markos at si JP dahil sa sinabi niya .

Hinayaan ko na lang yung sinabi ni JP sakin basta ang mahalaga , mahal ko si Markos .

Kitchi ang tawagan namin ni Markos simula nung 1st Chapter ng Love story namin . Siya ang pumili at pumayag naman ako kase ang cute ng Kitchi .

Kinalaunan naging kami ni Markos , August 22 yun . Simpleng tanong lang ang ginawa nya at napa-Oo naman ako .

Kinabukasan naghanap ako ng Buscopan Venus kase nga masakit yung puson ko , naghanap kmi ng kaibigan ko . Inikot namin lahat ng tindahan sa loob ng subdivision namin and nakasalubong namin si Markos . Inakbayan niya ko at sabi niya anong bibilhin namin ?

Ang awkward sabihin kaya sabi ko Girl thing to  . Sinamahan niya kami at aakmain niyang makipagholding hands sakin pero ayoko .

Parang nagtampo siya pero humingi ako ng sorry kaya , okay kami . Habang nasa tindahan kami , pinitik niya yung tiyan ko .

Nasaktan ako kaya sinabi ko at ang sabi niya , " sinusuntok mo nga yung abs ko di naman ako nagagalit e ".

Tanga din nitong boyfriend ko eh no ! Alam naman niyang meron ako tas pipitikin niya ko .

Masakit nga diba yung puson ko . sabi ko .

Ay ! Sorry na bi . Promise hindi na . sabi niya.

Pinalitan na pala namin yung tawagan namin kase Officially na kami na .

Sobrang sweet kami sa isa't isa kahit sa text lang . Di kase ako pwede ng gabi e  nagagalit kase si papa.

Napakaswerte ko kase yung ultimate crush ko naging boyfriend ko . Sobrang bait niya sakin .

Kinabukasan nagkayayaan kaming mag-SM , nagikot ikot lang kami and pumunta sa tindahan ng kwek kwek sa labas ng SM .

Kumain kami dun . Nilibre niya ko . Ang korni man neto pero masaya ako kase kasama ko ang taong mahal na mahal ko .

Bi ? sabi niya

Bakit ? sagot ko naman

(hinawakan niya yung kamay ko)
Masaya ako na kasama kita ngayon sana magtagal tayo . sabi niya

Kinilig ako ng sobra . Nalaglag na nga ata yung panty ko sa sobrang kilig XD . Sorry po .

Sana nga , sana nga magtagal tayo. sabi ko

Tara na , umuwi na tayo baka hinahanap ka na ni papa mo (sabay ngiti ) . sabi niya

Oh my goodness . Yung ngiti niyang nakakamatay . I love you so much.

Sige . (sumakay kami ng jeep , nakapatong lang yung ulo ko sa balikat niya at siya hinihilot yung ulo ko )

Pababa na kami , pinauna niya akong bumaba . Ang sweet lang , charot XD

Naglalakad kami papasok ng subdivision namin .

Dito na ko , ingat ka po . I love you . sabi niya sabay nag-wink

Ito na naman po yung boyfriend ko . Emeged !

Okay , i love you too Bi. sabi ko.

Alam ko na masyadong mabilis ang story , gusto ko kaseng magfocus agad sa pinakamagandang part
-Author's note -

Ayoko nang masaktan pa .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon