Chapter 1

672 30 8
                                    

"DRA. Yaine...Yaine!"

Nahinto ako sa paglalakad, pauwi na sana ako ng marinig kong tinatawag ang pangalan ko. Nang lingonin ko ang may ari ng boses na tumawag sakin ay si Maddy pala ito, kapwa ko practice doctor dito sa  Saint Pio Hospital.

Tong si Maddy talaga pwede namang Yainne na lang, may doktora pa talaga.

" Maddy bakit ?"

Humahangos pa ito ng makalapit sakin, parang nag aalangan ang expression ng mukha nitong tumingin sakin.

" Yaine pwede bang makisuyo sayo.." hinawakan nito ang kamay ko at nakikiusap ang mata nitong tumingin sakin

" Ano yun..?" Nagtataka akong nagtanong sa kanya.

Naging magkaibigan kami ni Maddy noon sa University dahil pareho kami ng kursong kinuha, naging malapit kami sa isat isa. Si Maddy lang ang naging kaibigan ko dahil pareho kaming laki sa hirap kaya magkasundo kami sa lahat ng bagay, at napakabait nito sakin.

Scholar kami pareho ng foundation ng may ari ng hospital. Kaya ng pag ka graduate namin ay kaagad kaming kinuha ng Saint Pio Hospital para maging isang practice doctor. At kahapon yung huling araw namin bilang apprentice dahil isa na kaming ganap na doktor ng mismong hospital.

" May tawag kasi galing management, nag request sila ng doctor na tutulong doon sa mga sundalong sugatan na narescue..ako sana ang ipapadala doon peru may sakit ang anak ko Yaine, kailangan kung makauwi agad, pwede bang ikaw muna ang pumalit sakin?" Doc Maddy asked me with pleading eye's.

Tumango naman ako dito, at bahagyang pinisil ko ang palad nyang nakahawak sa kamay ko. Naiintindihan ko ang rason nito, alam ko kasing may sakit sa puso ang anak nya.

Maddy is a single mom. Proud ako sa kanya kasi matapang sya, kinaya nyang mag-isang buhayin ang añak nya.

Same as my mother, she also raise me alone.  Nakakapanghinayang lang kasi kung kailan ganap na akong doctor, ay tsaka pa ito binawian ng buhay.

But still I know she's my number one supporter, wherever she was right now. And she will always be my insperation.

Instead I walked my way home, bumalik ako sa clinic room at kinuha ang mga gamit ko, at isa isang isinilid ko ito sa di kalakihang bag na itim. At pagkatapos ay kaagad akong lumabas ng hospital, nakita ko na nakaparada ang ambulance car na syang magdadala sakin doon sa head quarters ng mga sundalong sugatan.

Masukal na daan ang tinahak ng ambulance car nagtataka akong tiningnan ang driver, nasa likod ako ng van nakasakay at kita ko mula sa salamin dito sa loob ng van, ang tinahak nyang daan, at parang kabisado naman ng driver ang lugar.

Peru hindi headquarters ang pinuntahan namin kung hindi ay isang private Wood House. Bigla akong binundol ng kaba, ng bumaba na ako sa van, bitbit ko ang aking bag na itim. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, ang tahimik ng paligid tanging tunog lang ng mga dahon na sinasayaw ng hangin ang maririnig.

" Dra. Halika na sa loob" tawag ng driver na si manong Jose sakin.

" Manong akala ko po ba sa head quarters tayo pupunta? Bakit nandito tayo sa gitna ng gubat?" Hindi ko napigilang itanong kay manong Jose.

"Biglang nagbago ang binigay na lokasyon Dra. hindi ba nabanggit sa inyo?" Sagot ni manong Jose, napakamot pa ito sa ulo ng tingnan ko sya.  " Pasensya na dok. Nakalimutan kong sabihin sayo kanina, nagmamadali na kasi ako, si Major kasi ang tumawag kanina" paliwanag nito.

Hindi ko kilala ang Major na sinasabi nito.

Tinanguan ko na lang ito at tsaka naglakad na kami papasok sa loob ng Wood House. Isang naka uniporming sundalong lalaki ang sumalubong samin sa pinto. Matapang ang anyo nitong tumingin sakin at kay manong Jose.

Ruthless Men Series #3: (Ranz Nicolai Morison ) (ONGOING)Where stories live. Discover now