Isang marubdob na hangarin ang kaytagal nang nag-aalab sa aking damdamin. Nais kong matighawan ang isipan kong uhaw sa kaalaman. Nais kong busugin ang pagkatao kong gutom sa makabuluhayang mga pilosopiya at prinsipyo. Nais kong matagpuan ang tunay na ako nang sa gayon,makaharap ako sa mundo bilang ako. At sa lahat ng ito,isa lang ang alam kong susi para mabuksan ang pinto ng katuparan ng aking inaasam-asam na tagumpay--- EDUKASYON.
Edukasyon na magmumulat sa napag-iiwanan kong kamalayan tungo sa ikauunlad ng pisikal,sosyal,emosyonal,intelektuwal at ispirituwal na aspeto ng aking pagkatao.
'Espesyal ako,mahalaga ako,may dahilan kung bakit ako naririto at may mahalagang papel akong gagampanan sa mundong ibabaw' ngunit ang ganitong kaisipan,paano ko isasabuhay at paniniwalaan kung may bahagi ng pagkatao ko ang nakalugmok sa nakamamatay na kamangmangan at nabubuhay sa karimlan. Edukasyon raw ang solusyon.
Ngunit gaano ba kahirap makamit ang edukasyon kung ito ay para lang sa iilan? Nararapat bang tanggapin ko na lang ang sinasabi ng marami na marahil ay hindi ko kapalaran ang magkaroon ng edukasyon.
Wala akong alam sa batas at mga karapatang pantao ngunit batid kong karapatan ng bawat mamamayang Pilipino ang makatuntong sa paaralan at makatapos ng pag-aaral ngunit bakit maging ang mga karapatan ay pribilehiyong para lang sa iilan?
Ang malinis at kapaki-pakinabang na hangarin nga ba ay sadyang mahirap abutin? Bakit may limitasyon ang adhikaing magtagumpay? Nais kong malaman,may mali ba sa pagnanasang makawala sa mundo ng kawalan ng pag-asa at liwanag?
Ang edukasyong inaasam ng puso at isipan,nawa'y makamit ko upanh mas maging makabuluhan ang aking buhay at makapaglingkod akong lalo sa ating bansa at mga kababayan. Pagpalain nawa ako ng Maykapal at akayin sa tamang landas patungo sa tugatog ng pag-asa at liwanag.
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Thơ camadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...