Pag araw ng Linggo o isipa'y magulo
Simbahan ng Calamba,agad tinutungo
Upang magsimba at mag-alay ng dasal
Para sa pamilya at tangi kong mahal
Sa tahanan ng Diyos aking binabalikan
Masayang alaala at araw na nagdaan
Aking napagtantong itong inspirasyon
Pamilya pala at aking relasyon
Kaya't sa Maykapal aking hinihiling
Makita sya't muling makapiling
Tiyak na sisigla puso't buhay ko
Kapag ang mahal ko ay nandirito
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poetrymadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...
