makita pa kaya ang buong barkada?
makasama pa kaya ang mga katropa?
tropang nagkalayo,kailan mabubuo?
nasaan na kaya mga kalog na kagrupo?
namimiss ko tuloy ang mga gimikan
ang mga lakaran tuwing 'Clean and Green'
ang pag-cutting classes tuwing pyestahan
ang pagkokopyahan tuwing may exam
namimiss ko tuloy ang mga tawanan
ang mga biruan pati kalokohan
ang mga hagikhikan at mga iyakan
ang mga tampuhan at pagbabatian
namimiss ko rin ang mga kadramahan
minsan ang venue ay loob ng CR
minsa'y sa ilalim ng mataas na puno
minsa'y sa upuan gang gumaan ang loob
namimiss ko rin si Cindy Adorna
Katawan man nya'y di mala-Adarna
utak naman nya ay mala-Einstein
Pagka't formula ng TK kanyang nabuo
namimiss ko rin si Aiza Aragon
na kung maglakad ay parang uragon
hilig nya ay kanta at makinig sa radyo
tunay na kaibiga't hindi mapagbalatkayo
namimiss ko rin si Joma Calubad
emoterang tunay at walang katulad
sya ay matalino at maraming talento
sa pag-compose ng kanta,sya ay eksperto
namimiss ko rin si Denver Tacalan
na sa tropa'y lubos na hinangaan
mapagkalinga sya't talagang maaasahan
minsang naka-partner sa isang paligsahan
namimiss ko rin si Ma. Morena Corporal
aking kaibigan ng sobrang kaytagal
mula elementarya pa ang aming samahan
sya'y maganda,tsinita at sekretarya ng klase
namimiss ko rin si Maricris Nicor
likas na matalino kaya't laging first honor
bestest friend ko sya simula nung first year
sa luha at saya sya'y naging karamay
namimiss ko rin si Ginale Arevalo
na sa talino't ganda'y tunay na panalo
maliit at kulot,sya'y halos perpekto
at sa kanyang ngiti, ika'y matututo
namimiss ko rin si Joedel Balce
magaling mag-sketch kahit anong klase
mata nya'y nawawala pag sya'y tumatawa
ang kanyang halakhak ay nakakahawa
namimiss ko rin si Abel Pesebre
pasaway at makulit,mahilig sa libre
kapag kalokohan sya ay naghahari
pero kung minsan din ay parang pari
namimiss ko rin si Michelle Tresvalles
matangkad, tawanin at pang-Miss Universe
di ka magsasawang sya ay kausapin
at kanyang halakahak,tyak na hahanap-hanapin
namimiss ko rin si Hersan Camacho
simple ma't tahimik ay maaasahan
madaling lapita't di ka pababayaan
sya'y halimbawa ng totoong kaibigan
namimiss ko rin si Rhyan Ronda
Parang utol ni abel,pero di gaya ni Cain
kulot ma't pasaway,tunay na butihin
kaya't mga langaw,sya ay lapitin
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poetrymadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...