Ilang numero pa ba ang kailangan kong bilugan sa kalendaryong nakasabit? Malaon nang umaasam ang puso ko na magkaroon ng katuparan ang mga pangarap na nabuo sa kamusmusan pa lamang. Kayrami ng dahon ang napigtal sa tangkay ng panahon! Ilang tag-ulan at tag-araw pa ba ang kailangang lumipas?
Ang isang tulad ko kaya ay may pag-asa pang maisalba mula sa pagkalunod sa karagatan ng karuwagan, kamangmangan, pagdurusa, kalungkutan, kahungkagan at hinagpis?
Isang lingon sa bakas ng panahon at aking naaninag ang karimlang bumalot ng pait, kabiguan at matinding kalungkutan sa aking kaluluwa. Sa pagtahak ko sa landas na tinatawag na buhay, natukalasan kong ang sugat ng kahapon ay nagmarka ng pilat sa aking kaisipan at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa naghihilom ang kirot sa bawat himaymay sa loob ng pilat na iyon.
Ngunit ang pagbangon mula sa pagkadapa ay aking sisimulan sapagkat ang sinag ng araw ay unti-unti nang sumisilay sa likod ng umaaliwalas na ulap sa kalangitan.
Ang hiling ko lamang ay gabay at panubay ng ating Dakilang Lumikha.
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poetrymadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...
