(NSTP Assignment)
Sa malayong bundok ng Bikol nagmula
Kung saan masayang nabuhay sa kopra
At minsang hinabol ng galit na kobra
At doo'y napuno ng kalyo sa paaLumaki ang gastos sa paglaki namin
At hindi na sapat kita sa lupain
At itong si Ama,lumayo sa amin
Upang magtrabaho't kami'y mapakainNaiwan si Inang,nghinta ng padala
Noo'y di pa uso ang epxress padala
Kaya't atrasado panlaman sa tiyan
Muntik pa akong sa hayskul maiwanPara makatapos paglaba'y sinabak
Ngunit ang masaklap,nasadlak sa hirap
Nagdildil ng asi't namasukang yaya
Lahat ng pangarap,sa Lotto natayaHindi akalaing sa Calamba'y mapadpad
Trabahong regular ako ay pinalad
Pagtulong sa pamilya, dito natupad
Ngunit di nalimot lahat ng pangarapTaglay ang hangaring maging guro sa bukid
Sa pag-abot nito,edad ay di balakid
Kaytagal mang naghintay,marami mang sakit
Hindi ako bibitaw,'gang ito'y makamitDahil sa Lumikha ako'y kumakapit
Sa pagmamahal ng taong malapit
At sa pamilyang suporta'y malupit
Ako ay matatag,sarili'y complete
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poésiemadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...