PARAISO

40 6 1
                                    

Tahimik,payapa't mala-paraiso

Ito ang mundong hiling ng puso

Para sa lahat,sa aki't sa iyo

Kung saan may ngiting puno ng pagsuyo

Kung sakali mang ika'y lumayo

Hangad ko lamang di ka mabuyo

Sa alak at bisyong nakakarahuyo

Lalo sa kaibigang nagbabalatkayo

Alam kong ang mundo'y puno ng tukso

Ngunit ikaw sana ay hindi makiuso

Kayrami pa namang mahilig manggantso

Bibigyan ka ng ginto,yun pala ay tanso

At kung sawa ka na sa buhay ng lungsod

Magbalik ka lamang sa ating suyuan

Sasalubungin kitang may giliw at lugod

Pagsisilbihan kita sa ating tahanan

May mala-kristal na tubig na laman ang banga

Matataas ang punong may hitik na bunga

Makukulay ang bulaklak at halama'y luntian

Ang lahat ng ito'y atin sanang mapagyaman

May pula,asul,dilaw na paru-paro

Sa magagandang talulot, masayang nagdarapo

Uwak na itim at puting kalapati

Sa itaas ng ulap, lumilipad ng may ngiti

Ang paraisong ito'y ating pupunuin

Ng tunay,wagas at tapat na pag-ibig

Dito natin aarugain magiging supling

At imumulat sila ng walang ligalig

Sa paraisong ito'y puno ng galak

Ang lahat ng tao ay hahalakhak

Ikaw at ako magiging pasimuno

Nang ating makamit payapang mundo

compilation of self-made poemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon