Masaya,makulay, buhay empleyado
Sa mga benepisyo ikaw ay panalo
Maging sa katrabahong mga komikero
Pero sa boss na masungit, ikaw ay dehado
Magmula nung ako ay magkatrabaho
Bumait sa akin itong nanay ko
Paborito kong ulam kanyang niluluto
Lalo kung sasapit itong araw ng sweldo
Kaysigla ni nanay at laging may ngiti
Pag aking inaabot perang nakasobre
At kung may ekstra pa,aking nililibre
Mababait kong kapatid doon sa Jollibee
Mga kapatid ko ako'y asikaso
Naging malambing at laging nagbebeso
Waring nalimot na aking atraso
Lalo kung abutan ng damit na may laso
Walang kapalit,hatid na tuwa
Kahit sa trabaho,katawa'y kawawa
Basta maibigay buhay na maginhawa
Ako'y di susuko at di magsasawa
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poesiamadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...