(BALAGTASAN)
(Nilikha para sa Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1)LAKANDIWA:
Yamang ako ang syang tagapamagitan
Binubuksan ko na itong balagtasan
Lahat ng makata'y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglabanAng makakasali ay batikang makata
At ang bibigkasi'y magagandang tula
Magandang kumilos,may gata sa dila
At kung hindi naman ay mapapahiyaAt ngayon sa harap ng bayan
Binubuksan ko na itong balagtasan
Na ang paksang pagtataluna'y
May forever ba o wala sa pagmamahalan?Tinatawagan ko ang mga makata
Ang taong kilabot sa sa gawaing pagtula
Lumitaw na kayo't dito'y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wikaWALANG FOREVER:
Magandang umaga sa inyong dumalo
Bunying Lakandiwa,dakilang Gatpayo
Ako si Faisah na sawi sa puso
Kaya't sa forever,di na palolokoSa panahon ngayong lahat nagbabago
Dakilang pag-ibig ay hindi na puro
Bihira na lamang lalaking matino
Kaya't ang FOREVER, tunay na malaboMAY FOREVER:
Sandali lang kaibigang Faisah
Amoy ampalaya na itong atmospera
Buhat pa kanginang ika'y magsalita
Damang-dama ko iyong pagluluksaPahintulutan mo,sawing katunggali
Akong si Blessie na sa iyo'y ibahagi
Ang tamis at kilig na dala ng pag-ibig
MAY FOREVER at dyan ako panigKung wagas na pag-ibig iyong itinanim
Ito rin ang syang iyong aanihin
Sa tamang tao't sa takdang panahon
May pag-ibig na sa iyo'y inilaanWALANG FOREVER:
Di yata't ika'y bulag sa pag-ibig
At dahil sa diwang bulag sa paggiliw
Marapat lamang na ika'y gisingin
Bago ka bangungutin sa iyong panaginipAng bawat pag-ibig sa una lang masaya
Kapag malaon na'y puro pandaraya
Kaya't hiwalayan nagiging pasya
Upang sa pasakit,sa dusa'y makalayaMAY FOREVER:
May kilala din akong sawi sa pag-ibig
Ngunit pagka-bitter,di nya dinibdib
At sunod nyang pag-ibig,kay Lord dinalangin
At ngayon sila ay maligaya na rinPusong pinagtali,tunay na pag-ibig
Hindi mahahati at di malulupig
Basta't ang mag-irog, nagkakapitbisig
Sa harap ng pagsubok at mga balakidAng dalawang ibon na magkasintahan
Papaglayuin mo't kapwa mamatay
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay
Bangkay ang umalis,patay ang nilisanLAKANDIWA:
Inyo ng wakasan,inyong pagtatalo
At hayaan ninyong bayan ang humatol
May forever ba o wala sa pagmamahalan
Ngunit tayong lahat,may pagpipilianPwede nating kilatisin,surii't piliin
Ang pag-aalayan ng puso't damdamin
Kaya payo ko lamang,parehong gamitin
Matalinong utak at pusong maibigin
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poesiemadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...