Ang alam ko lang mapag-isa ka
Palaging sa malayo nakatanaw
Bakas ang lungkot sa iyong mata
At pagngiti'y waring di mo alamAng alam ko lang ay pangalan mo
Liban dun,lahat sa iyo'y misteryo
Kapag may nagtatanong sa iyo
Sumasagot kang yuko ang uloAng alam ko lang ay pisikal mong anyo
Ngunit palaisipan iyong pagkatao
Nais kong malaman ano ang kuwento mo
Nais kong marinig laman ng isip moAng alam ko lang, palagi ka sa sulok
nais kitang lapitan,sayo ialok
Ang aking teynga na handang makinig
BINABASA MO ANG
compilation of self-made poems
Poetrymadalas na naghihintay akong lumipas ang bawat segundo,minuto,oras,araw,linggo, buwan at taon para hindi ako mainip,tuwing may pagkakataon,nagsusulat na lamang ako ng mga tula most of these poems were written when i was seventeen years old i'd like...