CHAPTER 3

3.9K 83 1
                                    

Nasa tapat ako ng condo ni Lucas ngayon, nagdadalawang isip ako kung kakatukin koba o huwag nalang.

Kakatapos kopa lang mamili ng mga groceries peru napagpasyahan kong dalawin si Lucas, matagal na din na hindi kona siya nakikita.

Kahit nga sa pagtawag ay di kami nakakapag-usap ng maayos dahil iyon ang ikinagagalit ni señorito Ethan, iwan koba peru sa tuwing lagi kong kausap si lucas sa cp agad naman niya akong pinapagalitan.

Ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko, at tsaka di ko sinasagot ang tawag ni Lucas sakin habang nasa oras ng trabaho dahil alam kong strekto si boss at magagalit siya.

Lutang ako habang nakatitig lang sa pintuan ng condo ni lukas, bubuksan koba o hindi?

Makalipas ang dalawang minuto, binuksan kona ang pinto, alam kong naka lock peru may roon naman akong duplicate key na ibinigay sakin ni lucas noong lagi pa kaming magkasama.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkahiya, kaba dahil ayaw kong awayin niya ako peru malabo ang iniisip ko,

Kahit kailan walang awayan ang namagitan samin ni Lucas dahil di siya ganon!

Hiya dahil parang diko kayang harapin siya! peru bahala na!

Madilim ang boung paligid habang tinatanaw ko ang kabuuan ng boung condo, tanging lampshade lang ang naglilikha ng liwanag na namumuo sa gilid ng kama.

Patuloy lang ako sa paglalakad.

Natanaw ko ang isang bulto ng lalaki na ngayon ay printeng nakaupo sa gilid ng kama, bigla akong nakaramdam ng pagkasabik,pagkasabik dahil gusto ko siyang yakapin na matagal konang hindi nagawa sa kaniya.

Marahil naramdaman niya ang presencya ko, tipid niya akong sinulyapan kasabay non ang paghiga niya sa kama habang nakatalikod sa direksyon ko.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip sa dibdib.Hanggang ngayon ba ay masama parin loob niya sakin?

Nang makalapit na ako sa kama, umupo ako sa tabi niya, alam kong nagtatampo siya, diko yata kakayanin pag ganito nalang kami palagi.

" Ba-babe?...please naman oh! kausapin mo naman ako! " Malumanay kong ani.

" Kung galit ka so-sorry na! hoyy babe naman mag usap tayo!"Nanatili lang siyang nakatagilid sa kama.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa inasta niya, galit siya sakin dahil maraming beses na niya akong gustong kausapin  o kaya e-date sa labas peru umaayaw ako dahil baka magalit si señorito Ethan.

Simula ng magkaroon ako ng trabaho, diko na siya napagtuunan ng pansin, wala na akong oras kundi puro nalang trabaho, ang sakit lang dahil marami ng nagbago sa aming dalawa
dina kami iyong dati na lagi nalang nagkikita at namamasyal.

Halos araw araw nagkikita kami o kaya nag-uusap sa phone ko peru ngayon halos isang linggo kaming walang komunikasyon.Halos madurog ang puso ko dahil naawa na ako sa kaniya.

" Babe.Kausapin mo naman ako! " imbes na harapin at kausapin ako nagtalukob lang ito ng kumot na siyang ikinanguso ko.

" Huwag kanang magtampo babe hoyy! " tinulak tulak kopa siya sa likod peru nanatili lang itong walang imik.

Napabuga nalang ako ng hangin, ano ba ang dapat kong gawin para dina siya magtampo?Ang hirap niyang suyuin.

Napadako ang tingin ko sa malapit sa sofa, laking gulat ko ng makita ang maraming bote ng alak, umiinom siya ng alak?

Sa pagkaka-alam ko di siya mahilig maglasing peru ngayon halos diko na mabilang ang bote ng mga alak, oh! god nagkakaganito ba siya dahil sakin?

"Lucas! sorry!" halos maiyak na ako.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now