CHAPTER 16

2.4K 56 1
                                    

Tahimik ako habang nakatitig sa salamin, pinapanood ko ang repleksyon ko sa salamin habang suot suot ko ang damit na binili namin ni Ethan .

Aaminin kong bumagay sakin ang damit na ito kulay pula siya at gumaganda ito sa kurba ng aking pangangatawan.indi pa naman maumbok ang aking tyan kaya dipa halata na nagdadalang tao ako.

Nakalugay pababa ang aking mahabang buhok, nakalagay din ako ng make-up ngunit hindi naman makapal iyong light make up lang.

Hindi naman masyadong sexy ang suot kong damit abot hanggang tuhod lang ang haba nito pababa, bagamat di parin mawala wala sakin ang pangamba sadyang takot lang ako na baka mapahiya ako sa mga magulang ni Ethan, natatakot ako sa kung anong magiging kalalabasan ng lahat pagkatapos ng family dinner na magaganap ngayong gabi.

" Bakit hindi kapa bumababa? " rinig kong boses ni Ethan sa aking likuran, niyakap ako nito patalikod at ramdam ko ang unti-unting pagpulupot ng kaniyang kamay sa aking bewang.

tipid akong napangiti ng makita ko ang repleksyon niya sa salamin, ngumiti naman ito ng may pagkatamis-tamis.

Ipinatong niya ang kaniyang panga sa aking balikat.

" Iniisip mo parin ba ang nakita mo doon sa mall? " Tanong niya ngunit umiling ako, tungkol nga pala sa nakita ko sa mall ,pinilit kong huwag isipin nasi Lucas ang ama ng dinadala ni grace peru sa huli nalaman korin ang katutuhanan na siya nga ang ama, nasaktan ako nong una peru agad din nawala dahil narealized ko na lahat ng tao nagkakamali mahirap man tanggapin ang hindi kaaya-ayang pangyayari ngunit kailangan natin matanggap dahil ito ang kapalaran natin.

Nagkamali ako at ang akala ko ako lang sa aming dalawa ang may pagkakamali peru pati rin si Lucas ay may nagawang pagkakamali pareho kaming nagkamaling dalawa at seguro hindi nga kami ang itinakda para sa isa't isa.

" Let's go panigurado akong hinihintay na nila tayo! " turan ni Ethan habang nakayakap parin sa likuran ko.Bumuntong hininga ako.

" Hindi ko maiwasang mangamba Ethan, tamang panahon na ba ito para ipakilala mo ako sa mga magulang mo? Paano kung aya----"

" Magugustuhan ka nila Arriana! " Mahinhin niyang usal, pinaharap niya ako sabay halik sa noo ko,, tumango nalang ako sa sinabi niya.Takot parin ako na ewan basta bahala na!
-----

Napatingin ako sa kamay ni Ethan ng hawakan nito ang kamay ko, ngumiti ito ng malapad, tipid akong napangiti bilang tugon sa kaniya.

" Huwag kang matakot,okay? "
ngumiti ako at tumango sa kaniya, alam niyang andito parin ang takot na nararamdaman ko ,kaya pilit niya akong pinapakalma.

Pareho kaming nakaupo ngayon sa passenger seat habang si Theo naman ang nasa driver seat. Sinubukan kong magrelax at isinandal nalang ang aking ulo sa braso ni Ethan, naramdaman kopa ang bahagyang paghagod nito sa buhok ko.

Itiningala ko ang aking paningin sa mukha niya, napangiti nalang ako ng mamangha ako sa kaniyang kagwapuhan ngayon.Nakasuot siya ng itim na suit at bumagay din sa maskulado niyang pangagatawan.

" Why are you staring at me huh? " Kunot noo itong tumingin sakin. Nakasandal parin ang ulo ko sa braso niya habang mahigpit niyang hinahawakan ang isa kong kamay.

" Ang....Ang gwapo mo ngayon! " papuri ko sa kaniya.

" I know! Palagi naman akong gwapo right? " Natatawa akong tumango tango nalang. Ang hangin niya talaga

" And you are also beautiful,sa lahat ng mga babaeng nakilala dito sa mundo ikaw lang ang pinakamaganda! " Natawa ako sa sinabi niya, grabeng papuri yata yan!

....

" We're here! " napa-ayos ako ng upo matapos kong marinig ang anunsyo ni Ethan kanina. Kinakabahan parin ako.Alanganin akong napatingin sa kaniya, nabasa niya ang ipinapahiwatig ko kaya ngumiti lang ito at pilit akong pinapakalma.

" It's okay don't be scared okay? " pilit akong tumango at bahagyang ngumiti sa kaniya ng tipid.

Pinagbuksan kami ni Theo kasabay non ang pagbaba namin ni Ethan sa loob ng kotse.Saglit akong napahinto at pinasandahan mona ng tingin ang kabuuan ng mansion na kaharap ko ngayon.

Wow!......As in wow!

Namangha ako sa ganda at laki ng mansion, ang lawak ng paligid sa labas at masasabi ko rin marami itong mga kasambahay at tauhan na lalake na nakapalibot sa paligid ng mansymion.

" Let's go! " Napabalik ako sa realidad ng marinig ang pagtawag atensyon sakin ni Ethan.Masyado na ata akong natulala kanina.

Pinulupot nito ang kaniyang kamay sa bewang ko, ng makalapit na kami sa main door ng mansyon doon ako lubusan namangha, kita ko ang lawak ng bawat lapag.

Makintab ang sahig at may mamahaling mga gamit ang nakalagay sa gilid, iyon ay mga babasaging gamit at katulad nalang ng mga vase.

Mga kumikintab na  chandeliers sa taas.

Maganda ang mansion ni Ethan ngunit mas lamang ang mansion na ito dahil sa subrang lawak at ganda.Napangiti ako ng makilala ko ang ibang mga maid.

Sila iyong dating mga maid ni Ethan at ngayon nandito sila habang nakayuko bilang paggalang sa amin.

Kita korin na nagulat sila peru agad din nawala ng tingnan sila ni Ethan ng malamig.

Lahat ng nadadaanan namin mga kasambahay ay laging nakayuko, ang lawak sa loob ng mansion dahil patuloy parin kaming naglalakad patungo sa dining area.

" YOUR HERE SON! " Halos nagmistula akong isang yelo dahil sa kaba na nararamdaman ko.Nandito na kami ngayon sa dining area.Lahat sila nakatingin na ngayon sa direksyon namin.

Naglakad na kami ni Ethan kasunod non ang paghalik niya sa pisngi ng kaniyang mama at kaniyang papa, ang ganda niya pala at ang gwapo ng papa niya mag kamukha sila ni Ethan.

Napayuko ako ng makita ako ng mama ni Ethan sa likuran ni Ethan god! Heto na nga ba ang sinasabi ko. Pinasandahan niya ako ng tingin.

" Mom she's Arriana, My......."

"Ethan? " napatingin ako sa maganda at sexy na babae . Tela lumiwanag naman ang mukha ni Ethan ng makita niya ang babae.

" K-Kate?...Is that you? " Di makapaniwalang sambit ni Ethan sa pangalan ng babae.

" Yes!...aMAko nga ito! " Tumayo ang babae sa pagkakaupo, at lumapit ito kay Ethan, nakaramdam ako ng inis ng makitang sumalubong din si Ethan sa babae, nagyakapan sila na tila sabik silang makita ang isa't isa.

" How are you? Ang tagal mong nawala! " kita ko ang saya sa mukha ni Ethan ngayon.

" I'm fine, nag-aral lang ako don sa amerika medyo matagal tagal din kami don, and you? How are you Ethan I miss you! " Turan ng babae, gusto kona lang ngayon umalis at ayaw na silang makitang dalawa, parang may something eh!

" I'm fine kate,i'm happy cu'z your now here in the philippines! " Nakangiting usal ni Ethan sa babae.

Ka'ano-ano ba niya ang babaeng ito? Bakit ganon na lamang ang pagkasabik niyang makita ang Kate na ito!

" Who is she Ethan? " Maarteng tanong ng mama ni Ethan, nakaupo na kami ngayon habang pinagsasaluhan ang masasarap na pagkain na nakalapag sa mahabang mesa.

" Diba sinabi ko sayo na family dinner ito at nagsama kapa talaga ng...."

Mapanuri ako nitong tiningnan.Napahawak ako sa kamay ni Ethan ng mahigpit,pasimple siyang bumaling ng tingin sakin.

" Mom family dinner naman ito at kaya nandito si Arriana at yon ay dahil bahagi na siya sa pamilyang ito " Napahinto ang lahat dahil sa sinabi ni Ethan, kita ko rin na maiging nakinig ang sinasabi nilang Kate, ipinagtiklop nito ang kaniyang mga daliri sabay patong sa kaniyang panga.

Masamang tumingin sakin ang mama ni Ethan.

" What do you mean Ethan? " tanong ng mama niya.

" Mom she's my girlfriend! " Tila nanlaki naman ang mga mata nilang nakatingin sakin ngayon. Dahil sa hiya napayuko nalang ako.

Heto na nga ba ang sinasabi ko eh...Ang pinangangambahan ko,So ayaw nga nila sakin.

" What the,Ethan naririnig mo ba ang sinasabi mo?"Tumaas ang boses ng mama ni Ethan habang tinatanong iyon.

Kita ko pang napangisi si Kate sa inasta ng mama ni Ethan sakin!

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now