CHAPTER 11

2.6K 52 2
                                    

" Ma'am Arriana sige na po p-papayag na ako na samahan ka " Nakatalikod na ako at akmang lalakad na sana ngunit agad din napahinto ng marinig ko ang sinabi ni Theo.

" T-talaga? " Umaliwalas ang mukha ko sabay harap muli sa kaniya.

" O-opo peru mangako ka na saglit lang tayo doon. " Saad niya kaya agad akong tumango. Dahil sa saya na nararamdaman ko agad kong nayakap si Theo kaya nabigla naman ito.

" S-sige na mag-bihis kana at ng maka-alis na tayo " kumalas ako sa yakap niya at daglian na nagtungo sa kwarto.

Matapos ang limang minuto halos liparin kona ang boung mansyon makarating lang sa baba. Nakita ko si Theo habang nakatayo sa main door ng mansyon na halata ang paghihintay sakin.

" Tara na po ma'am baka maabutan tayo ni sir Ethan! " Masbinilisan ko ang paglakad ko at nagtungo na sa isang kotse ni Ethan.

" May bibilhin lang kami! " anunsyo ko sa ibang tauhan ng makita akong papalabas ng mansion na tila pinagmamasdan at nagmamasid ito.

Hindi kona sila tiningnan pa at daglian ng pumasok sa kotse.Di naman sila magdududa na tatakas ako kase kasama ko ang parating sumasama sakin kapag may bibilhin ako sa labas.

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na nga kami ng tuluyan sa mansion, napangiti ako kay Theo dahil sa pagtulong niya.

" Salamat sa pag-payag na samahan ako Theo pangako di naman tayo magtatagal kikitain ko lang si Lucas dahil may mahalaga akong sasabihin sa kaniya. "Mahabang lintaya ko.

Pasimple itong lumingon sa akin,
" Okay lang iyon ma'am naaawa din kase ako sayo dahil matagal tagal narin na di nakalabas ng mansion. "

Tipid itong ngumiti at humarap muli sa unahan at patuloy na pinaandar ang sasakyan. Ngumiti ako bilang tugon sa kaniya.

" Saan po ba tayo pupunta? " tanong nito.

" Sa condo na malapit sa sikat na restaurant" Tipid kong sagot, alam naman niya iyon dahil madalas siyang pumupunta sa restaurant na malapit din sa condo ni Lucas.

Makalipas ang isang oras na paglalakbay namin ay sa wakas narating na din namin ang condo na tinutuluyan ni Lucas, bumaba na ako at pinag-hintay na si Theo sa loob ng kotse.
-----------------

Huminga ako ng malalim ng nasa tapat na ako ng pintuan ni Lucas, nakaramdam ako ng kaba dahil parang may mali na pumunta ako dito, peru bahala na ang mahalaga maka-usap kona si Lucas.

Gumagabi na kaya diko na aaksayahain ang oras na ito mahirap na baka makauwe kaagad si Ethan sa mansion tapos wala ako don, kailangan kong maka-uwe agad ng hindi pa siya naruruon sa mansion.

Itong gabi na mauulit na naman ang pagkikita namin ni Lucas, na miss ko rin ang makita siya, sa tinagal tagal namin na walang kumunikasyon sa isa't isa halos mag-iisang buwan na.

Samantala noong maayos pa ang samahan namin halos walang araw na hindi kami nagkikita o kaya nagdadate, nakakamiss lang!

Akmang pipihitin ko na sana ang pinto para buksan ito ng bigla din itong bumukas na siyang ikinagulat ko.

Napangiti ako ng bumungad agad sakin ang mukha ni Lucas.Napangiti ako ng malawak dahil muli ko na naman siyang nasilayan.

Agad na rumihestro sa kaniyang mukha ang pagkagulat peru kalaunan napalitan din ito ng tuwa ng makita niya ako.

" A-arriana babe? " Tila di ito makapaniwala, nagulat nalang ako ng mahigpit ako nitong yakapin na siyang ikinangiti ko.

" I miss you babe.B-bakit ngayon kalang nagpakita? "

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now