CHAPTER 29

2.1K 43 0
                                    

" Hija gising kana, kailangan mo ng kumain. " Nagising ako ng umaga dahil sa pagtapik ni manang sa braso ko.Agad akong nagising at agad na iginala ang paningin sa loob ng mansion.

" Manang si Ethan? Nakauwi ba siya kagabi? " Bungad kong tanong kay manang matapos kong bumangon sa sofa. Malungkot itong ngumiti sakin

" Pasencya na hija peru hindi siya nakauwi kagabi, halikana kumain kana! " Halos maiyak na naman ako, seguro ayaw na niya akong makita.

Inalalayan ako ni manang tumayo at iginaya ako nito sa hapag, walang kabuhay buhay akong napatingin sa kaniya, naaawa ako nitong pinagmasdan.

" Manang, paano kung hindi na maayos ito? Paano kung diko na magawang maisalba ang lahat? " Tangina umiyak na naman ako, kainis ayaw talaga paawat ang mga luha ko bweset iyakin na talaga ako.

" Shh, huwag mong sabihin yan hija, magpakatatag ka maaayos din ang lahat huwag kang mawalan ng pag-asa! " Masuyo niya akong niyakap at hinalikan sa noo.

" Kakayanin mo,huwag kang sumuko!" Malungkot akong napatango sa kaniya.

Matapos kong kumain ay pumasok na ako sa kwarto at doon na umiyak ng umiyak dahil sa subrang sakit ng nararamdaman ko, pakiramdam ko binubutas butas ang puso ko, ang hirap din huminga dahil sa bigat ng nararamdaman ko.

Nang mapagod ako sa kakaiyak ko pumasok na ako sa banyo at doon naligo ng matagal.

Mga dalawang oras na ako sa loob ng banyo kaya nagpasya na akong lumabas. Nagsuot na ako ng damit na masyadong malaki dahil sa malaki narin ang umbok ng tiyan ko, umupo ako sa kama ng matamlay.

" AH! " Daing ko ng maramdaman ang malakas na sipa ng baby ko, ang laki na ng tiyan ko apat buwan palang ako peru masyadong malaki ang tyan ko, minsan tuwing nagpapahinga ako ramdam ko na bumubukol ang parte ng katawan nito sa tiyan ko, ramdam ko rin na mabigat ito kaya misan sinasalo kona lang gamit ang mga kamay ko sa tuwing lalakad ako.

Sumapit na naman ang gabi ng walang presencya ni Ethan ang nahahagkan ko, tiniis ko ang lahat, ganon na ba talaga niya ako kinamumuhian ni anino niya dito sa mansyon ay hindi ko masilayan, ni hindi siya umuwi dito, namiss kona ang presencya niya subra.

Nang lumalim na ang gabi nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas, rinig ko ang kalabog, pilit akong tumayo sa kinahihigaan ko at salo ko ang tyan ko dahil sa mabigat ito.

Tinahak ko ang daan pababa. Sa hagdanan palang ako ay nasilayan kona ang dalawang anino ng tao.

Tumigil ang mundo ko at biglang gumuho ito, tahimik ko silang sinisilip habang walang tigil ang aking luha sa pagbuhos nito, napatakip ako ng bibig ko at tamik na umiiyak, nakita ko kung papaano sila maghalikan na parang wala na ng bukas.

Si Kate at si Ethan!

Naghahalikan sila, nagalit ako sa nakita ko gusto ko silang awayin at murahin, gusto ko silang saktan na punong puno ng galit at pagkamuhi sa kanilang dalawa,kaya lang naduduwag ako, ngayon palang parang sarili kona ang kinamumuhian ko dahil ang hina ko, duwag ako!

Umiiyak akong napatakbo sa loob ng kwarto ko, nag-iingat naman ako dahil baka makunan ako, diko alam ang gagawin ko kung pati ang anak ko ay mawala sakin, sa aking anak na lamang ako humugot ng lakas, dahil si Ethan tuluyan ng nagbago.

Umiiyak akong kinuha ang mga damit ko at mabilis na nag impake, diko na kaya to'! Ayaw kona,nakakapagod din, baka ayaw niya na talaga sakin dahil may Kate na siya.

Kung ayaw niya na sakin aalis nalang ako dahil ayaw din naman niya akong kausapin at ayaw din naman niyang pakinggan ang mga paliwanag ko.

Pagkatapos kong mag impake ay daglian na akong lumabas ,doon nalang ako dadaan sa kusina dahil sa likod nito may maliit itong pinto.

Nang makalabas na ako dahan dahan ko pang pinilig ang ulo ko sa direksyon nila, at napaiyak pa lalo ng naghahalikan parin ito, ngayon na nga lang siya babalik dito heto pa ang bubungad sakin.

Mabilis ako nagtungo sa kusina at lumabas ng hindi humihinto ang bawat patak ng botel kong luha.

Pakiramdam ko pasan ko ang mundo.

Parang pinipira-piraso ang puso ko dahil sa subrang sakit, parang di ako makahinga ng maayos ang lakas ng kirot ng puso ko at parang nanghihina na ako.

Napatingala ako sa kalangitan ng bigla itong kumulog ng malakas, pati ba naman ang langit nakikisabay sa kapighatian ko, bumuhos ang malakas na patak ng ulan na parang sinasabayn ang bawat patak ng luha ko, tuluyan na nga akong nakalayo sa mansion habang nanghihina at tumatangis.

Napahinto ako sa paglalakad at humina ang tibok ng aking puso, nahirapan akong huminga at parang dina makayanan ng katawan ko.

Pilit akong naglakad muli peru sa huli bumigay na ang katawan ko, dahan dahan bumigat ang talukap ng mata ko at nanghihina na ang tuhod ko hanggang sa tuluyan na akong nanghina at bumagsak sa simento.

Peru bago ko ipikit ang dalawang mata ko may naaninag pa akong isang liwanag, sapantaha ko galing ito sa isang kotse, huminto ang kotse sa harapan ko at doon na nagsimulang mandilim ang lahat.

*EVA POV*
(Ethan's mother)

" Why did you do that? Bakit mo sinira ang relasyon nila? Iyon na nga lang ang kaligayahan ng anak natin peru tumutol kapa! " Galit na anas ng asawa ko, akala ko ba ayaw niya sa babaeng iyon? Bakit parang nagbago.

" Hon, naririnig mo ba ang sinasabi mo?Hindi dapat mapunta ang anak natin sa babaeng iyon hindi sila bagay dahil isa lang siyang babae na walang kwenta! "

Anas ko sa asawa ko at nakita ko naman na mas lalo itong nagalit sakin.

Hawak hawak ko ngayon ang litrato ni Arriana kasama ang ex boyfriend nito na parehong nakahubad, napangisi nalang ako, magaling din pala magplano si Kate at ganda ng pagkakagawa ng plano niya.

Sana hiwalayan kana ni Ethan sa mas lalong madaling panahon Arriana.

" Look hon,masaya na si Ethan kay Arriana so dapat maging masaya din tayo sa kaniya, hindi mo ba alam na maaaring masira ulit ang buhay ni Ethan, di mo ba nakita kanina sa anak natin na halatang problemado siya, paano kong tuluyan na ngang masira ang buhay ng anak natin! " Natigilan ako sa sinabi niya.

" Dati ng nasira ang buhay ng anak natin, tayo ang mga magulang niya peru di natin magawang ayusin ang takbo ng buhay niya, kahit sarili niya di niya magawang tulungan ni hindi niya magawang bumangon, at alam mo yan, alam mo na tanging si Arriana lang ang nakapagpabago sa anak natin!"

" Heto lang ang masasabi ko, ikaw dapat ang sisihin ng lahat ng ito kung matutulad na naman sa dati ang anak natin, ikaw ang dapat sisihin kung masira na naman ulit ang buhay ng anak natin, hinding hindi kita mapapatawad kapag bumalik sa dating Ethan ang anak natin."

" Tandaan mo walang ibang sisisihin kundi ikaw! " Sigaw nito habang galit na galit na nakatingin sakin sabay alis at iniwan akong mag -isa.

Marahas akong napabuntong hininga at natahimik nalang.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now