CHAPTER 27

2K 41 0
                                    

*ARRIANA POV*

Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok na nagmumula sa labas ng kwarto, marahan kong iminulat ang mga mata ko at papikit pikit na iginala ang paningin ko nang masilayan ko na hindi pala ito ang kwarto ko.

Napabuntong hininga ako bago bumaling sa tabi na hinihigaan ko.

Automatikong napabalingkwas ako ng bangon at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Lucas na walang saplot habang mahimbing parin itong natutulog.Napalunok ako.

Marahan kong tiningnan ang katawan ko at ganon na lamang ang pagkagulat ko ng makitang wala din akong saplot, sinilip kopa ang nasa ibaibang parte ng katawan ko ngunit hubad din ito na siyang ikanakaba ko.

" H-hindi, h-hindi maaari! " Bulong ko habang nakatakip sa bibig ko at bahagyang napapailing-iling ng maraming beses.

" NO WALANG NANGYARE SAMIN..WALA!"

Napabaling ang tingin ko kay Lucas at ganon din ang pagkagulat nito ng makita niyang pareho kaming hubot hubad.

Walang nangyari samin dahil kung meron man mararamdaman ko iyon sa kaselanan ko.

" ARRIANA? " Bumangon si Lucas at di makapaniwalang bumaling ng tingin sa mga katawan namin walang saplot.

Rinig ko ang malakas na kalabog sa pintuan, palagay ko hindi na katok ito kundi malakas na sipa.

Binalingan ko ng tingin si Lucas at napailing iling nalang na tila di parin makapaniwala na hubot hubad kami ngayon pareho.Masasabi kong walang nangyare samin wala!

* BLAGGGG! * Malakas na sipa nito sabay bukas ng pinto.

Halos di ako makahinga at takot na parang hindi alam ang gagawin.

Nakita ko...Nakita ko ang madilim na mukha ni Ethan habang nakatingin samin ni Lucas na walang saplot.

Diyos ko anong gagawin ko? Bakit siya nandito?

" E...ETHAN! " Bigkas ko sa pangalan niya, maraming beses akong napailing iling ng masama itong napatingin sakin, ang akala niya may nangyari samin ni Lucas, sino ba naman ang hindi maghihinala na walang nangyari samin eh pareho kaming hubot hubad at ang masaklap pa magulo ang buhok ko at may lipstick din gilid ng labi ni Lucas.

B-bakit humantong kami sa ganitong sitwasyon?ni wala man lang akong natandaan na may nangyari samin ni
Lucas, ang natatandaan kolang ay bigla akong nahilo at nagpaalam na ako kay Lucas ng mga oras nayon, doon lang ako nawalan ng malay nong makalabas na ako sa loob ng restaurant.

At nang magising ako ay ito ang bubungad sakin, anong gagawin ko?

Diyos ko!.. Natataranta akong lumapit kay Ethan habang nanginginig ang aking katawan, kita ko ang nakakapangilabot niyang tingin sakin, bumalik ang takot ko noon sa kaniya dahil sa galit ang mukha nito, na animo'y papatay na siya ng tao.

" BAKIT MO GINAWA SAKIN TO'? " Malamig at galit niyang tanong sakin, bago binalingan ng tingin si Lucas.Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kumot na tanging takip sa hubot hubad kong katawan.

" NO ETHAN MA..MALI KA NG INAAKALA WALANG NANGYAR-- "

" LIAR! " Malakas niyang sigaw na siyang ikinaigtad ko sa gulat.Bagamat nanginginig man ay lumapit ako sa kaniya at pilit na hinahawakan ang kaniyang kamay.

" NO! m-maniwala ka walang nangyari samin Ethan maniwa--"

Hinawi niya ang kamay ko at galit na sinugod si Lucas at malakas itong pinagsusuntok, halos di ako makahinga dahil sa paninikip ng dibdib ko bakit?

Bakit humantong sa ganito? Diko alam kung ano ang gagawin ko! Bakit kami hubot hubad ni Lucas ngayon?

" Fuck! Anong ginawa ninyo?Hayop kayo! " galit na sigaw ni Ethan habang walang tigil niyang pinagsusuntok si Lucas, nataranta ako at tuluyan ng bumuhos ang luha ko.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now