CHAPTER 18

2.3K 44 0
                                    

Kina umagahan, madaling araw na akong nagising dala seguro ng pagod na ng yari kagabi.Masyado akong pinagod ni Ethan kagabi akalain niyo maraming beses  pa kami na pa iba-ibang posisyon peru aaminin kong nagustuhan ko naman.

Gusto ko sanang ibabad mona ang katawan ko sa higaan kaya lang madaling araw na, malagkit narin ang kabuan ng katawan ko.Kailangan ko ng maligo!

Napalinga ako sa tabi ko ngunit wala na siya dito, napangiti nalang ako sa kawalan, baliw na talaga ako!
Baliw na nga ako sa kaniya baliw pa ako sa sensasyon binibigay niya sakin sa kama.Luko!

Hayy,Pansin ko naman na may suot na akong damit, sa pagkaka-alam ko wala akong saplot kagabi hanggang nakatulog na ako, sapantaha ko si Ethan ang naguot sakin.

" Ohh hija halika na dito kumain kana ng agahan! " Napangiti ako ng makasalubong ko si manang.

Lumapit naman ako sa mahabang lamesa at doon nakalapag ang mga pagkain.Nagsimula na akong kumain at nang makatapos na ay tumayo na ako sa pagkakaupo, akmang liligpitin ko na sana ang pinagkainan ko ng pigilan naman ako ni manang.

" Manang ako na, kaya ko naman eh! " pagpipilit ko kay manang ngunit umiling ito.

" Hija ako na,magpahinga kana lang! alalahanin mong buntis ka kaya huwag kang masyadong magpapagod!"

Pagpapa-alala niya sakin sabay kuha sa plato na hawak-hawak ko.
Sa huli wala na akong nagawa, ang bait at maalaga talaga si manang, minsan naalala ko sakaniya si mama.

" Alam mo kanina kapa gustong makasama ni ethan sa agahan kanina kaso ayaw ka daw niyang gisingin dahil mahimbing pa daw ang pagtulog mo " nakangiting usal ni manang.

" Ganon po ba? Nasa trabaho naba siya? "

" Oo, maaga pa siyang pumasok sa trabaho niya, may bilin pa nga siya sakin ,huwag daw kitang hayaan mapagod! mahal na mahal ka talaga ng alaga ko, alam mo ikaw lang ang nakakapagpabago sa ugali niya. Kaya salamat sayo Hija! "

Hinawakan ni manang ang kamay ko, tila may makabuluhan ang sinabi niya.

" Bakit ano po ba ang dati niyang pag-uugali? " Alam kong may ugaling demonyo si Ethan noon, peru tila may gusto akong malaman sa sasabihin ni manang. Diko pa lubusan kilala ang tungkol sa buhay ni Ethan o sa nakaraan niya.

Bumunting hininga ito.

" Naging lasinggero yan, naging basagulero at wala ng oras sa sarili niya, pati mga magulang niya ay hindi na siya maintindihan, lahat may nagbago sa kaniya pati ang kompanya niya ay napapabayaan na niya nang dahil sa------

Napahinto si manang at mariin napatingin sakin.Anong ibig niyang sabihin? Bakit siya napahinto?

" Nang dahil sa ano manang? " kuryusidad kong tanong, napabuntong hininga naman ito.

" Nang dahil sa......... S-sa isang babae!"

Natigilan naman ako. Nang dahil sa babae? Hi-hindi kaya si Kate iyon?

" S-sinong babae iyon manang? " Tanong ko, nakaramdam ako ng agam-agam sa diko malaman na dahilan.

" S-SI KATE VILLAR " Di nga ako nagkamali, kaya pala ganon na lamang ang pagkasabik nilang makita ang isa't isa dahil may malalim pala silang nakaraan.At iyon ay kailangan kong gustong malaman.

" Manang pwede niyo po bang sabihin sakin ang nakaraan at pinagsamahan nila at kung ano ang meron sila noon.Please manang! "

Nagsusumamo akong tumingin sa kaniya.Bumuntong hininga naman ito at dahan-dahan tumango.

" Si Kate Villar ang kababata ni señorito Ethan, siya din ang naging first love niya, masaya ang samahan nila noon naging magkasintahan sila sa mahabang panahon, tanggap sila ng mga magulang nila kung ano man ang namamagitan sa dalawa, kay Kate lang umiikot ang mundo ni Ethan noon, lagi silang magkasama at mas lumalalim pa ang relasyon ng dalawa hanggang sa umabot sa puntong umalis si Kate papunta sa ibang bansa. " saglit siyang tumigil.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now