CHAPTER 12

2.6K 50 0
                                    

" Arriana, please huwag mo akong hiwalayan! " Nagmamaka-awang turan ni Lucas.Mas napaiyak ako dahil mahigpit itong nakayakap sa likod ko.

" Lucas palayain na natin ang isa't isa di ako ang babaeng nararapat sa isang katulad mo, may iba pa naman babae dyan na mas hihigitan pa ang pagmamahal nila sayo."

" Peru ikaw ang mahal ko! " Mapanglaw ang boses nito.

" Kahit kailan di'ko ibinaling sa iba ang pagmamahal ko at alam mo yan Arriana, alam mo na ikaw lang ang mahal ko peru bakit ganito ang sinukli mo sa pagmamahal na tanging sayo ko lang ipinaramdam! "

May bahid na galit ang boses nito.
Karapatan mong magalit sakin Lucas dahil hindi ako naging perpektong gf mo.

Kailangan ko ng maka alis dito baka hinahanap na ako ni Ethan, diyos ko baka nasa bahay na iyon, peru paano ako makaka'alis dito kung mahigpit naman na nakayakap ang braso ni Lucas sa katawan ko.

" Bitawan mona ako Luca-----"

" You bastard! " Nanlaki ang dalawa kong mga mata ng makita ang lalaking kinatatakutan ko kanina. Bakit siya nandito?

Napabaling ang tingin ko kay Lucas na ngayon ay nakahandusay na sa simento habang ang labi nito ay punong puno na ng dugo.

" Hayop ka, kahit kailan di siya magiging sayo,she's mine! " Patuloy na pinagsusuntok ni Ethan si Lucas.Nanghihina na si Lucas kaya wala siyang lakas para lang gantihan si Ethan.

" Ethan huwag,please maawa ka sa kaniya huwag mo siyang saktan pleaseeee! " halos mapaos ako sa kakasigaw ko ngunit patuloy parin ito sa kaniyang ginagawa.

Kita ko sa mukha nito na nag aalab na siya sa galit, umiigting ang kaniyang panga habang namumula na ang kaniyang mukha dahil nangingibabaw sa kaniya ang galit.

" Please tama na! Ethan!! " Sigaw ko parin habang nagpupumiglas sa mga tauhan niya.

Mga sampung tauhan ang isinama niya rito, pilit akong nagpupumiglas sa dalawa niyang tauhan na ngayon ay mahigpit akong hinahawakan sa magkabila kong braso.

" B-bitawan niyo ako! "

"Ethan tama na,please maawa ka sa kaniya!"

Tiningnan ako ni ethan ng masama, lumalabo ang paningin ko dahil punong puno ng luha ang mata ko, ngumisi ito na parang demonyo.

" Ethan!...Maawa ka!...Huwag mo siyang patayin!! " Tudo na ang sigaw ko ng makita ang pagtutok nito ng baril kay Lucas.Mas lalo akong napaiyak ng makuha pang ngumiti ni Lucas habang pinupunasan nito ang dugo sa kaniyang bibig.

" Sige iputok mo! " Mapanuksong saad ni Lucas, ngumisi ito na parang walang iniindang sakit.

" Ipuputok ko talaga ito hayop ka! " Mas diniin pa niya ang baril sa direksyon ni Lucas, sa kauna-unahang pagkakataon mabilis akong nakatakas sa dalawang tauhan ni Ethan kaya dali-dali akong pumunta at niyakap si Lucas.

" Please Ethan.Huwag mo siyang patayin! " Mas lalo lang itong nagalit lalo pa't nakita ako nitong nakayakap kay Lucas. Napatingin ako kay Lucas na ngayon ay hinang hina na dahil sa malakas na sipa ni Ethan.

" Anong ginagawa mo Arriana? Umalis ka dyan dahil papatayin kona ang hayop nay--"

" No hindi ako aalis, Ethan huwag mo siyang patayin sasama naman ako sayo ,at sayong sayo lang ako,please huwag mo lang siyang patayin." Pagod ko siyang tiningnan.

" Arriana huwag mo akong iwan diko kakayanin! " napabaling ako kay Lucas.

" Sorry Lucas, ibaun mo nalang ako sa limot, h-hindi na kita mahal! " iyak kong sambit, mas lalo naman akong niyakap ni Lucas kaya daglian akong hinila ni Ethan papalayo sa kaniya.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now