CHAPTER 33

2.4K 43 0
                                    

KINAUMAGAHAN nagising ako ng wala na sa tabi ko si Ethan, nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto nagbabakasakaling nandito siya peru wala pala, nag inat-inat mona ako kasunod non ay nagtungo na ako sa loob ng banyo ,naglaan mina ng oras upang maligo.

Nang makatapos na ako, nagsuot ako ng puting bestidang damit na masyadong malaki sakin, malapit ko ng masilayan ang magiging anak namin ni Ethan, malaki na ang tyan ko at subrang mabigat na, napapansin korin na masyado rin itong magalaw sa loob ko kailangan ko nang magdoble ingat, hindi ko akalain na ganito kalaki ang umbok ng tiyan ko.

Mga pitong buwan na ang ipanagbubuntis ko at malapit narin sumapit sa walong na buwan, grabe ang bilis din.Excited na ako.

Pinapangako ko na hindi ako magkukulang bilang ina sa kanila, seguro kakausapin kona lang si Papa na huwag nalang ako ang mamahala at magpatakbo sa kompanya ko kuno.

Ayaw kong mabawasan man lang ang oras ko sa kanila, gusto ko sa kanila lang ang boung oras ko, at ang atensyon ko at syempre kay Ethan, iyong oras ko na dapat ay sakanila lang ayaw kong maging pabayang ina, ayaw kong magkulang sa kanila bilang ina.

Napahimas ako sa tyan ko at abot tainga ang ngiti ko ng maramdaman naman ang sipa nito, gustong gusto konang malaman ang kasarian nila peru gusto korin masurprise, .

Nagtungo ako sa baba ng matapos na ako mag ayos, nasa hagdan palang ako rinig kona ang bawat boses na tila nagkakatuwaan ito.Sumilip ako.

Nakita ko ang malawakang ngiti ni Ethan habang nakikipagkwentuhan ito kina ma'am Eva, nandon din si papa seguro binisita na naman ako nito, halos araw araw nandirito siya upang kumustahin ako, ganon din si ma'am Eva, maaga palang nandito nayan, kita ko at ramdam kona na tanggap niya na ako.

Napailing iling nalang ako habang nakangiti ang saya nilang pagmasdan, napabaling ang tingin ko ng makita ang isang lalaki na kakapasok palang, napangiti ako dahil si Sir. Jerick ito ang papa ni Ethan. Lumapit ito kay papa at bahagya pang nagyakapan.

Nang matapos kona silang pagmasdan, dahan-dahan akong naglakad habang hinahagod hagod ko ang maumbok kong tiyan, napabaling sila sakin at nasa akin na ang atensyon nilang lahat.

Malawak ang ngiti nila sakin lalong lalo na si Ethan.Napangiti din ako bilang tugon sa kanila.

Nakangiting nilapitan ako ni Ethan at bahagya pang lumuhod sa harapan ko.

Napangiti ako ng halikan nito ang malaki kong tyan. " GOOD MORNING BABY " Bati niya at pinaulanan ito na puno ng pagmamahal na halik. Hinagod hagod ko ang buhok nito kaya tumingala sakin si Ethan habang nakangiti.

Tumayo ito at marahan hinaplos ang pisngi ko" GOOD MORNING HON " Napapikit nalang ako ng marahan ako nitong halikan, rinig ko ang mga boses nina Papa at mga magulang ni Ethan na tila kinikilig pa.

Napasulyap ako ng makita si ma'am Eva papunta sa pwesto namin ngayon.

" GOOD MORNING HIJA! " Nakangiti ito at bahagya pang hinagod ang buhok ko, medyo naiilang parin ako at parang nahihiya sa kaniya, parang hindi ako sanay na ganito siya palagi sakin.

" GOOD MORNING DIN PO MA'AM EV-"

" MAMA HIJA.HUWAG MONA AKONG TAWAGIN MA'AM MAMA NALANG! " Natahimik ako at napasulyap ng tingin kay Ethan, ngumiti ito at bahagya pang tumango tango.

Binalingan ko ulit ang mama ni Ethan at napangiti, ang saya, parang nilulukoban ako ng kasiyahan.

Alam ko na hindi ako sanay na tawagin siyang 'mama' peru ano pa nga ba ang magagawa ko, iyon ang gusto niya eh, balang araw masasanay din ako.

Nagulat ako ng bigla nitong hinawakan ang tyan ko at napangiti nalang bigla ng sumipa ito.

" I'M HAPPY! " Napatingin ako kay Ethan matapos sabihin iyon ni mama Eva habang nakahawak sa tyan ko.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now