CHAPTER 24

2K 40 0
                                    

" Ethan please huwag mona kayong umuwi, kung gushtu mo ng umuwi, umuwi kana lang mag-isa huwag mo ng ishama pa shi Arriana "

Natatawa akong napatingin kay Joseph na halata talaga na hilong hilo sa alak ,kung ano-ano ang sinasabi eh!

" Gago, ano bang pinagsasabi mong unggoy ka huh? " Sambit ni Keven at mabilis itong binatukan,mas lalo akong natawa habang si Ethan naman inis na pinagmamasdan ang lasing nasi Joseph.

Sa mga magkakaibigan si Joseph lang ang palabero at minsan may saltik sa utak haha kaya diko tuloy maiwasan mapatawa sa bumubusangot na mukha nito ng batukan siya ni Keven.

" Bro ikaw na ang bahala dyan mukhang naparami ata eh! " Ngising anas ni Ethan habang nakapalibot ang braso nito sa bewang ko.

Natatawa parin akong pinagmamasdan si Joseph na ngayon ay pilit na pinapakalma ni Keven, tinulungan na siya ni Kurt kaya minsan napapamura nalang ito dahil sa kung ano-ano ang sinasabi at minsan sasayaw ng walang tugtug.

Nauna ng umuwi sina Xavier at Chloe kanina dahil may lakad pa daw sila, ngumiti ako ng yayain na ako ni Ethan papunta sa kotse niya kaya tumango ako bago ibaling muli ang tingin sa lasing na si Joseph at sa dalawa na ngayon ay inaalalayan si Joseph.

" Bro we have to go kayo na ang bahala sa mukong nayan!" Tumango lang ang dalawa. " Mag-iingat kayo! " pahabol pa ni Kurt. 

"Sana magkita pa tayo sa susunod Arriana" malawak akong napangiti kay Keven na ngayon ay nakangiti din sakin kumindat pa ito habang sinasambit iyon kaya nakaramdam ako ng pagkakilig, ang gwapo at ang cute niya, peru mas cute ang Ethan ko!

" Hey balak mo atang angkinin ang gf ko! " Natakot ako sa malamig na boses ni Ethan kasabay non ang mahigpit niyang pagpulupot sa bewang ko.

Nagseselos ba siya?

Seryuso niya akong tiningnan kaya nanlamig ako sa paraan niyang iyon.

" HAHA DON'T WORRY WALA AKONG BALAK KUNIN SIYA SAYO OKAY? "Iling-iling na sambit ni Keven kaya malamig lang siyang nginisian ni Ethan.

" AKO MAY BALAK! " Sali sa usapan na saad ni Kurt habang nakangisi, mas lalong nainis naman si Ethan sa dalawa.Habang ako pigil sa kakatawa.

" LET'S GO! " Walang emosyon niyang sambit sabay hila sa kamay ko, habang naglalakad kami papabalabas kita ko ang halatang galit na mukha niya.

" ETHAN? " Tawag ko sa kaniya ngunit parang wala man lang itong narinig.

Bumuntong hininga ako at huminto sa paglalakad habang hawak niya ang kamay ko.Napahinto siya at malamig lang ako tiningnan.

" NAGSESELOS KA'BA? "

Malumanay kong tanong.Tinaasan niya ako ng kilay at inis akong tiningnan.Natatawa akong tiningnan siya .

" SO NAGSESELOS K--- " Napahinto ako, at napatili nalang ng sakupin niya ang labi ko.Pabigla bigla!

Marahan kong pinikit ang mga mata ko at tumugon nalang sa nag-aalab niyang halik.

Pinulupot ko ang magkabilang braso ko sa kaniyang leeg at maslalong diniin ang labi ko sa labi niya.  Seloso pala ang isang to'!

...

Nang makarating na kami sa mansion ay agad akong nagtungo sa kusina at nakita kona lang doon si manang habang may niluluto ito, amoy na amoy ko ang niluluto niya seguro mapaparami na naman ang kain ko nito.

" HI PO MANANG! " Agad ko siyang niyakap patalikod.

" Ay diyos kopo!Nako ikaw talagang bata ka papatayin mo ba ako sa gulat baka atakihin ako sayo diyos ko! "

Napahawak ito sa dibdib niya halatang nagulat ko nga siya. Natatawa akong niyakap siya muli na tila nilalambing siya. "Sorry napo manang! "

Malambing kong anas sabay yakap sa kaniya. " Oh siya magbihis ka mona, tatawagin nalang kita kapag luto na itong niluluto ko " Sambit ni manang kaya ngumiti ako sa kaniya.

" Hmm! mukhang masarap po yan manang ah! " sininghot singhot ko pa ang luto niya dahilan upang matawa ito.

" Oo naman masarap talaga ito hija, magbihis ka mona , at tatawagin kona lang kayo ni Ethan baka gutom nayon!" Nakangiti akong tumango kay manang bago naglakad papunta sa taas.

Habang tinatahak ang daan ay nakita ko pa ang dalawang kambal habang nag-uusap ito, binati kopa ito at malawak na nginitian, ang ganda ni Thea at ang gwapo din ni Theo kaya panigurado akong maraming may nagkakagusto din sa dalawang ito, napatingin pa ako sa iba pang mga tauhan ni Ethan,bago muling naglakad.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto, agad kong nakita si Ethan na ngayon ay kakatapos palang maligo habang nakatapis ito sa pang ibaba.Ngumiti ako bago lumapit sa kaniya.

" Maliligo lang ako! "

Pagpapaalam ko sa kaniya matapos niya akong yakapin, tumango ito bago kintalan ng mali-liit na halik ang labi ko kaya halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

Halos isang oras ako sa loob ng banyo, ng makatapos ay agad din akong lumabas at nagtungo nalang sa walk in closet, baka nandon na sa baba si Ethan dahil wala na ito dito, kumuha ako ng oversize na damit at pajama matapos kong suotin ang panloob ko ay sinuot kona ang damit at pajama ko.

Napangiti ako ng makita ang umbok ng tiyan ko seguro kailangan ko ng mag doble ingat dahil malaki na ang ipinagbubuntis ko, matapos ang nakaraang linggo hindi lang linggo kundi buwan ay maslumalaki na ang umbok kong tiyan mga apat na buwan na ako ngayon, ang saya ko lang dahil sa biyayang ipinagkaloob sakin ng diyos ,iingatan ko ang bata na nasa isinapupunan ko, ipinapangako ko na hindi ako magkukulang bilang ina , magiging mabuting ina ako sa kaniya at mamahalan ko siya ng higit pa sa sarili ko.

NANG matapos kaming kumain nina Ethan ay nagtungo na ulit ako dito sa kwarto, gusto kong magpahinga grabe napagod ata ako sa kakagala namin kanina ni Chloe, nakita ko naman humiga sa tabi ko si Ethan kasunod non ang mahigpit kong pagyakap at hinagkan ng mabilis ang labi niya.

" Good night baby" Malambing na saad ni Ethan kaya napangiti ako. "Good night din" Sambit ko pabalik, hinalikan mona ako nito sa noo, hanggang sa tungki ng ilong ko at ang pang huli ay ang labi ko na agad kong tinugunan.

Nang maghiwalay ang labi namin ay umayos ako ng higa  at yumakap sa matitigas niyang mga bisig bago ako sakupin ng antok.Ramdam ko ang paghagod niya sa buhok ko.

MY DEMON BOSS OWNED ME( COMPLETED)Where stories live. Discover now